FRAUD's POV Kanina pa ako naghihintay dito malapit sa table nila Adarina at Mr. Corpo. Hindi ko nga marinig ang pinag-uusapan nila eh dahil ang hina ng mga boses nila na parang sila lang talaga ang dapat makaalam kung ano man ang topic nila. What are they discussing kaya? Is it connected to the hotel? tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kinaroroonan nilang dalawa. Actually hindi naman sila gano’n katagal kasi after one hour eh nakita ko na silang tumayo. Then Mr. Corpo shake hands with Adarina while smiling. Na-curious talaga ako, dahil sa gesture nilang dalawa, pero hindi ko pa pwedeng lapitan si Ada. Kitang-kita ng dalawang mata ko na masaya ang reaksyon ng mukha ni Ada habang nakikipagkamay kay Mr. Corpo. What is it all about ba? tanong ko na

