ADA'S POV
"Ahhhhhh!" Mahina kong tili pagkalabas na pagkalabas ko ng office ni Fraud.
Napataas ko pa nga ang envelope na hawak-hawak ko habang tumitili. As in ‘yong ako lang ang nakakarinig.
Oh my gee! He invited me?! Ahhhhhh! tili ko pa rin sa utak ko.
Hindi na ako mapakali sa sobrang excited at kilig na nararamdaman ko sa ngayon.
"I need to tell it to Lanz!" masaya kong sambit kaya naman mabilis akong pumunta ng elevator at bumaba sa reception area.
Nakita ko siyang nagta-type sa computer kaya naman kaagad ko siyang nilapitan.
"Lanzzz!" mahinang tili na tawag ko sa kanya.
Napatingin naman siya sa akin.
Agad-agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya, "Ahhhh!" tili ko na mahina pa din as usual.
"Aray! Nakakabingi ka, Ada ah?" he said.
Tumanggal naman ako sa pagkakayakap sa kanya at, "Kinikilig ako!" I said.
Patunay? Yakap-yakap ko ang envelope na pinirmahan kanina ni Fraud habang umiikot.
"Huy!” bigla namang sita sa akin nito, “Ano bang nangyayari sa’yo? Anong meron na naman?" tanong niya na biglang na-curious.
"Guess what, Lanz!" tili ko pa rin dito. Hindi kasi maalis alis sa akin ang kilig at excitement na nararamdaman ko.
"Oo magkakaintindihan tayo eh. Ano ba iyon?" medyo naiinis na niyang turan dahil ang tagal kong magkwento kung ano man ang nangyari sa akin.
"Okay. Inhale, exhale. Inhale, exhale," gawang sabi ko bago ako nagsalita nang, "He invited me for dinner! Ahh!" I said habang tumitili pa rin.
Nagtakip naman siya kunwari ng tainga kaya naman hinampas ko siya.
"Nakakainis ka!" I said na kunwari ay nagalit.
"Ang ingay mo kaya," He said, “Paano ko maiintindihan kung ano ang sinasabi mo, eh halos tili lang inaabot ko sa iyo? Ano ka ba naman, Ada, spill it out,” sabi niya habang naku-curious na rin.
Nagmaktol naman ako kuno.
“Okay, fine, sorry na.”
Hindi pa rin ako nagsalita.
"Oh, tampo na kaagad? Ano nga ‘yon? ‘Wag kasing tumili ‘di ba? Hindi ko kaya maintindihan mga sinasabi mo," sabi niya na nag-type ulit.
"Okay, sorry,” hingi ko naman na rin ng paumanhin dito, “Kasi naman niyaya akong mag-dinner ni Fraud," I said na kinilig na naman.
"Ano? Dinner? Ikaw?" tanong niya.
"Wow naman, makareak naman ‘to. Oo nga niyaya niya ako," ngiti kong sagot sa kanya.
"Wee?" pang-aasar na turan nito sa akin.
"Hay nako, niyaya nga niya ako," muli kong sagot ko sa kanya. At ini-insist ko talaga.
"Eh bakit naman daw?" takang tanong nito na nakatingin pa sa akin.
"Ayy parang ayaw maniwala? Grabe ka. Totoo nga,” pilit ko naman habang inaayos ang envelope na hawak ko.
"Okay, naniniwala na ako. Eh bakit ka muna niya in-invite?" muli na namang tanong niya sa akin.
Huminga muna ako nang malalim bago ko siya sinagot.
"Kasi gusto niya. Joke!" sabay tawa ko rito.
"Wow ah? Gusto niya talaga?" asar na naman na tono nito.
Tumingin tuloy ako sa kanya sabay taas ng kilay, "Joke nga lang ‘di ba?"
Tapos tumawa naman siya na nakakahawa.
Ang kwela naming dalawa, grabe. Nagki-click kami pareho.
"Oh ano nga? Ang tagal magkwento. Mamaya mabibitin na naman ako kapag dumating si Ms. Aimee kagaya kanina.”
Napatawa naman ako, "Oo nga pala ‘no? Nabitin ka kanina? Sorry naman. Oh ayon na nga. He invited me para raw may assistant siya mamaya sa meeting nila with some regular clients. Wala kasi si Ms. maarte ‘di ba?" I'm referring to Theamika. Buti nga wala.
"Ah. So, secretary ang dating mo, gano’n?"
"Uhm, yeah, parang gano’n," tugon ko naman dito.
"Hindi lang parang kundi gano’n na talaga," he said na ngumunguso pa.
Nagkulitan pa kami bago ko naibigay kay Ms. Aimee ang envelope.
Then after no’n ay nag-lunch na kami ni Lanz tapos nag-focus na naman sa duty namin.
Ang bilis nga ng oras kasi hindi ko namalayan na 7 pm na pala kaagad, kung hindi ko pa tiningnan ang relo ko ay hindi ko pa malalaman na magse-seven na pala ng gabi.
Nag-aayos na ako sa reception area nang, "Ms. Torres, excuse me," tawag sa akin ni Ms. Aimee.
"Yes ma'am?"
"Mr. Sevilla would like to give some words with you. Kindly go to his office immediately,” sabi nito.
Napangiti naman ako at sumagot, "Yes ma'am."
After kong mag-ayos ay pumanik na nga ako sa office ni Fraud.
"Ahm, sir..." I said nang makapasok na ako sa office nito.
Humarap naman siya sa akin.
"Are you done with you work, Ms. Torres?" tanong nito.
I just nodded and smile. "Yes, sir.."
"Well then, let's go," aya na niya sa akin at saka niya kinuha na ang bag at iba pang gamit niya.
Sumunod na lang ako sa kanya hanggang sa makasakay na kami sa kotse niya.
Wala kaming imikan. Pero ang kaba ng dibdib ko dahil kasama ko siya ay walang tigil sa ingay.
First time ko kasing makasama si Fraud.
At first time rin na magkasama kami na kami lang dalawa.
Oh hindi ba ang sweet?
Nang makarating na kami sa isang classic na restaurant ay, "Please be sited," utos nito sa akin tapos inalalayan niya akong maupo.
Oh my gad! It's my first time na kasama siya. Where is my checklist? Oh my gad! I need to check my listed list there.
First date with Fraud, check. Tapos ay itinabi ko kaagad ang phone ko para hindi niya mahalata na may ginagawa ako.
Hindi muna siya um-order.
Katabi ko lang siya sa upuan hanggang sa may mga magsidatingan na mga clients at magsimula na nga ang meeting nila.
Sila ay nag uusap-usap habang ako ay walang ginawa kundi mag-take down notes lang sa mga importanteng details na kailangan hanggang sa, "Mr. Sevilla, I heard about what happened to Mr. Corpo in your good hotel. Is it true that you let him find another hotel better than ours?" tanong nang isa sa mga ka-meeting nito dahilan para mapatigil akong bigla sa pagsulat at mapalingon kay Fraud.
Nakita ko rin namang nagulat siya sa sinabi ng client namin pero hindi niya pinahalata.
"Yes, sir. It's true," he calmly said. Nagulat din naman ang ibang mga clients.
FRAUD'S POV
"You let that happened? What makes you do that? It's a crap, Mr. Sevilla," Mr. Razon said. One of our regular clients. A friend of Mr. Corpo.
Yes nabigla ako. Pero alam ko namang malalaman at malalaman din nila dahil sasabihin ‘yon ni Mr. Corpo, "I had to do what I had to, sir," I said.
Nagkatinginan naman silang lahat na parang hindi naco-convince sa sagot ko.
I saw Ada.
Napayuko siya that's why I held her hand saying don't worry, everything will be fine.
"Mr. Sevilla, Mr. Corpo is one of our largest sponsors here in our hotel. I presume that Mr. Lee knows about all these craps of yours. Because if he doesn't know about it, he will be so angry." sabi ni Mr. Loi.
I had to do what I had to.
"Yes, Mr. Loi. Mr. Lee knows about it," I said kahit hindi pa naman talaga.
Wala pang kalam-alam si Mr. Lee dahil nasa conference sila ni Thea at this very minute of time but I need to assure these people that everything is under control.
"Then what will he do? What actions will he do about this?" Mr. Fort asked.
Isa rin siya sa mga regular clients namin sa hotel at may shares din ito sa company ng mga Lee.
"We won't tolerate this, Mr. Sevilla. If Mr. Corpo won't be in our major list, then we don’t want also to be part of this agenda anymore,” Mr. Razon clearly said.
Nagulat naman ako pero kailangan ko ‘tong lusutan.
"Gentlemen, please, listen first," sabi ko sa kanila.
I have to get their attentions back in track. Nagkakaroon na kasi sila ng sarili nilang agendas.
"Mr. Lee has a very important meeting right now. But he would like to assure you that Mr. Corpo will always be in our major list," sabi ko na lang sa kanila para hindi na sila makapagsalita pa.
Nagkatinginan ang mga ito bago sumagot nang, "Good. Well then, I presume that we will have another meeting with you and with Mr. Lee by next week to talk about the adding of buildings in our hotel. We will also invite Mr. Corpo to discuss some issues with him. Please extend that to the president." Mr. Loi said.
Do’n ako nagulat pero hindi ko na lang pinahalata.
I just nodded and say, "I will, Mr. Loi."
Nagsitayuan na nga sila at, "Thank you, Mr. Sevilla," they all said tapos nagsialisan na.
Ganoon lang kasi sila kapag kausap ko.
Gusto nila direct to the point at ayaw nila ng mga paligoy-ligoy. Kaya kapag once na na-addressed na ang mga concerns nila, tapos na ang meeting agad-agad.
Napatanggal naman ako sa pagkakahawak ko sa kamay ni Ada at napasuklay sa buhok ko habang nakayuko.
What will I do? iyan kaagad ang pumasok na tanong sa isip ko, I need to talk to Mr. Corpo. Pero paano? ‘Di ba nga hindi maganda ang encounter namin kanina? Of course, galit pa ‘yon. What will I do?
"Am, Sir," bumalik ako bigla sa sarili ko at napahinto sa pag-iisip nang magsalita si Ada.
Napatingin tuloy ako sa kanya.
"Am, kung gusto po ninyo, ako na lang po ang kakausap kay Mr. Corpo,” she said na kinaayos ko nang tingin sa kanya.
"No. You're out here, Ada. Mr. Corpo's a maniac slut. I don't want you to get involve here," I said.
"But I had to, Sir. Alam ko pong magagalit kayo sa akin pero mas magagalit po sa inyo si Mr. Lee," she said in a concern tune of voice.
Tumitig naman ako sa kanya.
Hindi pwede, Ada. Baka kung anong gawin no’n sayo, sabi ko sa utak ko pero hindi ko masabi sa kanya.
"No, Ada. Magagalit talaga si Mr. Lee, yes. But I will explain everything. Alam ko namang maiintindihan niya ako eh," I explained.
"Pero sir..."
"And besides, baka mas magalit pa sa akin si Mr. Torres kapag in-involve kita rito," I said.
Napatingin naman siya sa akin at, "Okay, Sir. But if you need my help, don't hesitate to ask me po," ngiti niyang sabi sa akin.
Ngumiti na rin ako sa kanya, "Thank you. Let's eat," sabay aya ko na lang sa kanya.
Um-order na ako ng panibagong foods at kumain na kami. At kami na lang ang nag-usap.
"So, Ms. Torres," sambit ko sa apelyido niya na kinatingin niya sa akin.
"Yes sir?"
"Um, do you have a boyfriend?" tanong ko.
Wala kasi kaming imikan kaya ako na ang nag-open ng conversation sa kanya.
"I don't have, Sir," she answered na kinangiti at kinalaki ng tainga ko.
"Ah, well good. Wala pa palang nauuna kung gano’n," mahina kong sabi na kinasagot niya naman bigla sa akin.
"Ano po, Sir?" tanong niya, “May sinasabi po ba kayo?”
"Huh? Ah, it's nothing... Um, how about suitors? Do you have any?" I asked.
Napatigil naman siya sa pagsubo at sumagot nang, "I don't have either, Sir,” ngiti na naman niyang sagot sa akin.
"Oh? Good. Wala pala akong ka-kumpitensya kung gano’n," muli ko na namang sabi rito.
"Are you saying something, Sir?" muli na naman niyang tanong sa akin.
"Huh? No, I'm not. I mean, buti naman at wala ka pang manliligaw. Bata ka pa kasi," pagsisinungaling kong sagot dito.
"Ahh.. Um, eh kayo po, Sir?" tanong naman niya.
"What about me?"
"May girlfriend na po ba kayo?"
"I don't have," tugon ko naman.
"Am, nililigawan po?" tumingin naman ako sa kanya.
"Mayroonn sana kaso hindi pa ako nakakapagpaalam eh," I said habang diretsong nakatingin sa kanya.
Napatingin naman siya sa akin kaya kaagad akong lumihis nang tingin.
"Kanino naman po kayo magpapaalam, Sir?" tanong niya.
"To her parents," I said.
Nag-nod lang siya.
"How about you? Why don't you have any suitors? Siguro binabasted mo kaagad, ano?" tanong ko kinangiti na naman niya.
"Hindi naman po, Sir," wika niya.
"And why wala nga?"
"May iba po kasi akong gusto," she said habang nakatingin na nakangiti sa akin.
Ouch!
Nagulat ako sa sinabi niya kaya naman nawalan na ako ng gana.
"It's getting late. Let's get you home," I said tapos inayos na ang mga gamit at inalalayan siyang tumayo.
Nag-iwan na rin ako ng bayad sa table tapos sabay na kaming lumabas.
Hinatid ko siya sa kanila, "Ingat po kayo, Sir," she said then waved goodbye to me.
Habang nagmamaneho na ako pauwi ay, "May iba po kasi akong gusto," nage-echo sa utak ko.
So may iba siyang gusto? In short, wala akong pag-asa sa kanya,I said na binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan ko.
Ang sakit naman no’n.
Hindi pa nga ako pumoporma, basted na kaagad.
Mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan ko hanggang sa makarating ako sa bahay.
Binaba ko ang mga gamit ko naghubad ng coat.
Nagtanggal na rin ako ng sapatos ko at pumunta ng kusina to get something to drink.
Why?
It's because of her.
‘Di ba sabi nga niya may gusto na siyang iba? In short, kahit manligaw ako sa kanya, wala na rin.
It's useless ika nga kasi hindi naman niya ako sasagutin. In short, I don't have any chance at all.