FRAUD'S POV Yeah. Pinatawad na nga ako ni Ada, but for one condition. Iyon ay ang i-treat siya kaya naman ginawa ko. Of course, mahal ko eh. At hindi lang ‘yon syempre. Gusto ko rin siyang makasama, pero hindi kami kumain sa isang classic na restaurant, or sa mga fast food chains. Saan kami kumain? Sa mga turo-turo lang naman. Which is good kasi hindi siya maarte. Kahit ano kinakain niya. Syempre iyong mga nutritious lang at pwede sa kanya. "Kumakain ka pala nito?" I asked. "Opo naman, masarap kaya ‘to, Sir," tugon naman niya sa akin. Napatingin lang ako sa kanya bago nagsalitang muli, "Saan mo natutunang kumain nito?" tanong ko rito. Nilunok niya muna ang kinakain niyang pagkain bago siya sumagot sa tanong ko, “Kanila Mommy at Daddy po, Sir,

