SAF'S POV Ayokong nakikitang nahihirapan at nasasaktan ang Anak kong si Adarina o kung sino man sa kanila, pero wala akong magawa para maalis ang sakit na nararamdaman niya sa mga oras na ito. Bilang isang ina ay mas nararamdaman ko ang sakit na dala-dala ng Anak ko. Nahihirapan akong nakikita siya sa kalagayan niya ngayon. Alam ko kung gaano niya kamahal si Fraud, kaya naman ganoon na lamang siya kung masaktan. “Anak,” tawag ko sa kanya habang nakayakap pa rin ito sa kabaong ni Fraud. Hindi siya sumagot sa akin. Hinihimas niya lang ang buong kabaong ni Fraud. “Anak, halika na muna,” aya ko sa kanya ngunit hindi pa rin siya sumasagot. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. “Anak,” sambit ko, “Mahal na mahal ka ng Mommy,” wika ko rito. Naramdam

