Lumabas na kami ng elevator ni Thea habang dahan-dahan na naglalakad patungo sa ICU kung saan sinabi ng Nurse ang kinaroroonan ni Fraud. Natatakot man ay dumiretso pa rin kami ni Thea sa ICU. Actually, kung ako ang tatanungin, ayokong pumunta dahil natatakot ako. Hindi ko alam kung ano ang makikita namin ni Thea sa ICU. “Ada, just be strong, please,” muli na namang paalala sa akin ni Thea. Hindi ako tumango o nagsalita bilang sagot sa kanya. Hindi ko pa rin naman kasi alam kung paano ako magre-react at kung ano ang mga iisipin ko. Gulung-gulo pa rin sa utak ko ang mga nangyayari. Paano ba kami napunta sa ganitong sitwasyon? Masaya lang kami, hindi ba? Bakit nandito na kami ngayon sa ospital at naglalakad patungo sa ICU? Bakit? Pumikit ako haban

