ADA'S POV Akala niya siguro hindi ko siya napapansin lately sa mga inaasta niya. Of course nagwo-worry ako kaya naman ako na ang nagsabi at nag-open para makipag-usap sa kanya. Baka kasi meron siyang problema at kailangan niya nang tulong lalo na mahihingahan kung sakali. Nandito lang naman ako para sa kanya eh. Huwag lang niya sana akong i-bypass dahil hindi ko na alam ang gagawin at iisipin ko kapag pinagpatuloy pa niya iyong ganoong pakikitungo sa akin. "Fraud.." tawag ko sa kanya. Nasa park na kami niyan at nakababa na sa sasakyan. Nakatalikod siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya akong tingnan. “Fraud…” muli kong tawag sa kanya. Hindi kasi siya sumagot kanina. Tapos ngayon nama’y tulala siya. Ano ba ang nangyayari sa iyo, Fraud? gusto kong

