ADA'S POV Planado lahat. ‘Yan ang sinabi ko sa sarili ko nang maisipan kong i-surprise ang Mahal ko sa New York. I told Daddy na huwag na huwag niyang sasagutin ang mga tawag ni Fraud para kunwari ay busy siya at busy ako. Gusto ko kasi talaga siyang ma-surprise. And it's all worth it naman kasi na-surprise ko talaga siya. Hindi siya makapaniwala na dadalawin ko siya sa New York. At ang next goal ko ay masulit ang limang araw na leave ko sa office para lang makasama siya. At uumpisahan namin iyon, ngayon na. May pasok siya, oo pero keri lang kasi hindi naman siya nag-o-overtime sa work eh. So, first day, habang nasa work siya ay ako ang nag-asikaso sa condo niya. I cooked. I cleaned. I washed. And I made myself glamorous para pag-

