Nakatulala na naman ako sa bintana ng kwarto ko. Naalala ko na naman kasi si Fraud. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako naniniwala na patay na siya. Na wala na siya. Hindi pa rin. Kahit anong pilit ko sa sarili ko na maniwala ay hindi ko pa rin magawang maniwala. Kulang pa rin sa akin kahit na nagkaroon na ng resulta ang DNA test na ginawa sa kanya, at kahit pa nakita mismo ng dalawang mata ko ang pagpasok n’ya sa airport pati na rin sa eroplano via CCTV ay hindi pa rin ako kumbinsido sa patay na nga siya. I can feel that he is really alive, still alive, pero nasaan s’ya? Bakit ayaw n’yang magpakita sa akin? Umiiyak na naman ako. Naalala ko na naman kasi siya. Nami-miss ko na naman kasi siya. Ang mga tawa niya. Ang mga ngiti niya

