Elle’s POV HINDI na ako bumalik pa, pagkatapos kong magmukmok sa cubicle ng toilet, pumasok ako sa opisina. Doon inisa-isa ko ang lahat ng mga contacts at logistic. Inaral ko na rin ang basic accounting at administrative tasks. Inabot din ako ng ilang oras ng may kumatok sa pinto at sumilip si Jhonalyn, tumango ako at ngumiti sa kanya. Itinuro ko ang harapan na upuan. “Ms. Elle, rereport na po ako ng sales natin for today,” aniya. Inilipag ang cash box. “Ito na ba lahat ng sales natin? Paano iyong mga kakailanganin natin bukas?” Tanong ko. “Heto po, binigay ito ng chef natin, na kailangan orderin para po bukas at ito naman po para sa counter supplies.” Kinuha ko iyon at sinuri ang notebook na binigay niya. Medyo marami-rami din iyon. “Sige Jhonalyn ako na bahala dito. Salamat.” Tu

