Elle’s POV TATLONG araw din akong nanatili sa ospital. Hanggang sa payagan na ako ng doktor na pwede na akong lumabas. “Finally, uuwi na tayo.” Masigla kong komento. Napatigil si Mav sa pagliligpit ng gamit ko. Lumapit siya sa akin. “Indeed, babe.” Mabilis pumulupot ang kamay niya sa bewang ko. “Ay sus naman ang mamang ito, nagpapacute pa, oo na sinasagot na kita jowa na ulit tayo.” Pagbibiro ko sabay pisil ng tungki ng ilong niya. “As if naman, may choice ka,” he placed a smack kiss on my lips. “Oo na nga. Uuwi muna tayo ng La Trinidad.” Natatawang sagot ko na ikina seryoso niya. “Babe, is it okay to bring Ava? Hindi ko siya pwedeng iwan sa Manila at sa katulong lang.” Kita ko ang pakiusap sa mga mata niya. Ngumiti ako at tumango. “Oo naman, she is your daughter, at dapat m

