Growth in love comes from a place of absence, where the imagination is left to it’s own devices and creates you to be much more then reality would ever allow. ~ Coco J. Ginger . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Pagkatapos magdrama ni Winter biglang pumasok sa isip niya ang dala dala niyang bag. Buti na lamang at dinala niya ang mga dokumentong maaring magamit kung sakaling maghahanap siya ng bagong trabaho. Ng buksan ni Winter ang kaniyang bag ang unang bumungad sa kanya ay ang kanyang telepono na kagabi pa niya hindi nasisilayan. Paniguradong marami ng mensahe ang kaniyang natatanggap mula kay Xander. Tinurn on niya ito ngunit wala na itong reserbang enerhiya kaya naman ichinarge niya muna ito. Pagkabukas ng kaniyang telepono ay inasahan na niya an

