I’m sitting on. It was built, and so it will fall apart. I’m gonna fall apart, probably before this chair. And you’re gonna fall apart. The cells and organs and systems that make you you—they came together, grew together, and so must fall apart. The Buddha knew one thing science didn’t prove for millennia after his death: Entropy increases. Things fall apart.
-Anonymous
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nakaupo ngayon si Winter sa paanan ng kama, nakatitig sa labas ng bintana habang haqak ang kaniyang labi na nahalikan ni Xander.
Hindi niya mawari kung ano ang naararamdaman niya ngunit parang may ibang emosyong nananalaytay sa kalooban niya at may milyong milyong boltahe ang nararamdaman niya ng hindi sinasadyang mahalikan nila ang isa't isa.
"Hindi naman siguro masama kung kikiligin ako" pakiusap nito sa kanyang sarili. Hindi niya maitago ang paninibugho ng kanyang damdamin. At hinihiling na sana maulit muli iyon.
Pero may pagkabagabag ang nararamdaman niya dahil isa pa rin siyang lalaki, at kailanman hindi mahuhulog ang isang lalaki sa kapara nitong lalaki isa pa isa lamang siyang nagpapanggap na ina sa bata.
Sa mga oras na iyon itinigil niya muna ang pag iisip sa kung ano anong bagay. Isinantabi na muna niya ang hindi maipaliwanag na nararamdaman niya para kay Xander.
Na isipan na niyang maligo dahil alam niyang ilang minuto na lamang ea susunduin na siya ng mag ama na galing sa kabilang silid.
Habang nasa kasilyas siya hinubad na niya ang lahat ng kanyang saplot kung kaya't wala ng natitirang kahit na ano na nagtatakip sa mga maseselang parte ng kaniyang katawan. Pinagmamasdan niya ang kanyang katawan at may nakita siyang pasa sa may bandang balikat. Ngunit isinambahala na niya lamang ito at inisip na natamaan lang ng anong bagay at di niya napansin.
Ipinagpatuloy na niya ang kaniyang pagligo. Agad siyang natapos dahil nakaligo namn din siya kanina. Nagbibihis na siya ng may kumatok sa kwarto. Inaasahan na niya na ang mag ama ito. Kung kaya't binilisan niya ang kaniyang pagbibihis at lumabas na siya ng bahay.
Ngunit may nararamdaman pa siyang ilang. Pero wala siyang magagawa dahil nangako siya sa bata na kasama siyang matutulog sa silid ng ama.
Pagkabukas niya ng pinto naroon na sa kama ang mag ama si Sanders ay nakaupo at si Xander naman ay nakahiga.
Muntik nang mawala sa ulirat si Winter ng makita si Xander bukod sa kaba at ilang lalo pa syang di magkamayaw dahil sa suot nito. Nakasuot kasi si Xander ng boxer briefs at sando na hapit na hapit sa kanya. At ang ayos ng buhok niya ay napaka astig. Ngayon hindi na ako maguguluhan sa aking nadarama dahil nahihinuha ko na kung bakit nararamdaman ko ang mga pakiramdam na ito.
"Andyan ka na pala Mommy tara na" muntik na syang napabalikwas ng biglang magsalita ang alaga niya kung bakit kasi sa pag iisip ng ganung ganung bagay nawawala siya sa sarili "nag a-out of space nanaman ang mommy mo anak" sabi ni Xander na nagpapula sa mga pisngi ni Winter.
"Tara na nga" aya ko sa kanila. Nagsimula ng maglakad ang mag a ama papunta sa masters bed room. Pagkarating nila doon sumalubong ang malamig na simoy ng temperatura sa katawan ni Winter. Kung kaya't tumayo ang mga balahibo niya.
"Mommy sa gitna ako wah" pagsasabi ng alaga nito. Hanggang ngayon di pa rin niya alam kung bakit napapayag siya ng mag ama na matulog siya sa silid ni Xander ng sama sama sila na para bang pamilya.
Nakapwesto na sila ng biglang nagtanong si Sanders " Daddy, Mommy how did you fell in love with each other" sinenyasan ni Winter si Xander na siya na ang magsabi ngunit tumingin lang si Xander sa itaas at pumito ng walang tunog.
Parang biglang may bumara sa ngala ngala ni Winter dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa bata. "Ahmm baby ahmm nasa mall kasi ako nun namimili ako ng mga gamit ko sa isang shop palabas na sana ako but suddenly me and your dad bumped to each other" hiyang hiyang sabi Winter pasalamat na lamang siya at lagi siyang nanunuod ng mga teleserye sa gabi at kung minsan kapag libre ang oras nya.
"Then he fell in love with you?" masayang tanong ni Sanders kay Winter, Ngunit bago pa siya makasagot naunahan na siya ni Xander "No baby, she's the one who fell in love with me" natatawang sagot ni Xander, literal na nabilaukan si Winter kahit wala siyang kinakain.
Hindi magkamayaw sa pag "ayieee" si Sanders dahil sa narinig mula sa ama para naman kamatis sa kapulahan ang mga pisngi ko sa panunukso nila.
Biglang nanahimik ang emosyon sa kwarto ng biglang nagtanong ulit si Sanders "Mommy why did you left us after giving birth to me?" sa sobrang seryoso ng tanong niya napatahimik din bigla si Xander. Sa nakwento ni Xander kay Winter namatay daw ang asawa nito matapos iluwal si Sanders. Ngunit sa napakamurang edad pumapasok na agad ang mga ganyang katanungan sa isip ng bata.
Parang may dumaang anghel sa pagitan nilang tatlo. Hinihintay ni Winter na sagutin ni Xander ang tanong. Wala naman siya sa lugar para sabihing namatay na ang kaniyang ina matapos nitong iluwal ang bata mas mainam na dapat handa ang bata kapag ipinagtapat na ni Xander kung ano talaga ang nangyari sa ina nito. Pero sa ngayon... bahala na... "Baby that's not important why your mommy left us the important is we are now a complete family" sinserong tugon ni Xander sa kanyang anak. Kahit si Winter naramdaman niyang napakasinsero ng pagkasabi ni Xander at naramdaman niya din na para bang tunay na kapamilya na siya ng mga ito.
"Okay po daddy" pag sasang ayon ng bata "Mommy can you sing a song for me?" magalang na paghingi ng pabor ng bata. "O sige kakantahan kita ng makatulog na ang gwapong baby ko" masayang pag sang ayon ko naman. Parang totoong anak na ang nararamdaman ni Winter kay Sanders. Parang may lukso ng dugo ang pakiramdam niya para sa bata. Kaya inisip na lamang niya
" Mommy there's a piano out there, diba you know how to play piano?" pagbibigay suhestyon ng bata. Buti na lamang at kasama si Winter sa Music Club noong nag aaral siya kaya kaya nyang tugtugin lahat ng instrumento.
Nakapwesto ang Piano sa gilid ng kama, tumayo na siya at sinimulan na niyang laruin ang piano
Chasing Cars
We'll do it all
Everything
On our own
We don't need
Anything
Or anyone
If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world?
I don't quite know
How to say
How I feel
Those three words
Are said too much
They're not enough
If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world?
Forget what we're told
Before we get too old
Show me a garden that's bursting into life
Let's waste time
Chasing cars
Around our heads
I need your grace
To remind me
To find my own
If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world?
Forget what we're told
Before we get too old
Show me a garden that's bursting into life
All that I am
All that I ever was
Is here in your perfect eyes, they're all I can see
I don't know where
Confused about how as well
Just know that these things will never change for us at all
If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world?
Pagkatapos laruin ni Winter ang piano bumalik na sya sa pwesto sa kama nakita niya ang malawak na ngiti ng mag ama. " Your so excellent in playing piano mommy, Now i know why daddy feel in love with you" mahabang pagbibigay puri ng bata kay Winter. "Oo nga, still wala pa ring kupas ang pagtugtog mo sa piano" pagsegunda naman ng ama ni Sanders na si Xander.
Halos tumaba ang puso ni Winter sa mga sinabi ng ng mag ama. Siguradong mabibigla si Xander dahil hindi niya inakalang magaling pala akong mag piano bigkas ni Winter sa kaloob looban nito.
"Mommy this is the last, can you sing again so that I can sleep already" paghihingi ulit ng pabor ng bata. Hindi na nakatanggi pa si Winter kaya kumanta na rin siya.

Good night to you.
Good night to me.
Now close your eyes and go to sleep.
Good night. Sleep tight. Sweet dreams tonight.
Good night. I love you.
.
.
.
.
.
Good night to you.
Good night to me.
Now close your eyes and go to sleep.
Good night. Sleep tight. Sweet dreams tonight.
Good night. I love you.
.
.
.
.
.
.
"I love you too mommy and daddy" sambit ng bata bago niya isara ang mga mata niya. Galak naman ang naramdaman ni Winter dahil napapalapit na siya sa bata. Ng nasigurong natutulog na nga si Sanders. Bumwelo si Xander para magsalita. "Salamat Win at napapasayo mo kami ng anak ko" sabi nito. Hindi maintindihan ni Winter kung bakit napasama si Xander sa mga napasaya niya. Pero nagagalak pa rin siya dahil nakakapgdulot siya ng kasiyahan.
"Napakagaling mo palang mag piano" sambit nito kay Winter. "Ahh oo noong nasa college kasi ako kasapi ako ng music club kaya napag aralan ko lahat ng mga instrumento" mahabang paliwanag nito sa ama ng bata.
"Ang sarap mo ring mag luto" dagdag nito ng papuri kay Winter. "You have a big resemblance to my wife, in many aspects parehong pareho kayo the way she treats us kuhang kuha mo" pagsasalita ni Xander. Hindi alam ni Winter kung ano ang nais ipahiwatig ni Xander naguguluhan siya kung bakit kailangan niyang sabihin ang mga ginagawa niya at ginagawa ni Stella.
" I know its wrong but i dont understand this... this strange feelings... your a gay but i feel this kind of love towards
you parang nahuhulog na ako sayo kailangan kong siguraduhin ito" mahabang wika ni Xander na siya namang nagpawala sa ulirat ni Winter. Dahil sa unang pagkakataon mayroong nagtapat ng damdamin para sa kanya.
.
.
.
.
Kamsa