When one door of happiness closes, another opens, but often we look so long at the closed door that we do not see the one that has been opened for us. ~Helen Kelle . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Naka awang ngayon ang dalawang labi ni Winter dahil sa mangha. Nakikita niya ngayon ang kabuuan ng Pampanga. Parang nakasakay siya sa eroplano dahil sa nasisilayan niya. Parang nakalutang siya sa hangin. Ang takot niyang nararamdaman ay napalitan ng saya. Nalampasan na rin ni Winter ang takot niya sa heights. Hindi niya namalayang na hanggang ngayon ay naka angkla pa rin ang kamay niya sa baywang ni Xander at magkalapitan lamang ang kanilang mukha konting galaw lamang niya ay maari ulit silang magkahalikan. Aalis na sana siya sa ganoong posisyon ng

