Sobra sobra na ang mga nalalaman niya, sobra sobra na rin siyang nasasaktan, Paano nagawa ni Xander na itago ang katotohanan sa kaniya, Ang kaniyang kinikilalang ina paano niya nagawang itago ang katotohanan sa kaniya at ilayo sa tunay na ina nito, ngunit kahit ganoon hindi niya kayang magalit sa nanay niya. Si ginang Prim paniniwalaan niya pa talaga ito? Siya nga ba talaga ang kakambal ni Stella at ang totoong pangalan nito ay Prim Acosta? Naguguluhan siya sa mga nalalaman niya sa mga rebelasyon. Unti unti siyang tumayo at patakbong tumungo sa corridor ng hospital. Nais niya ng tahimik na lugar kung saan makakapag isip siya ng maayos. Nais niyang Makita ang kinikilala niyang ina para masagot ang mga katanungan na bumabagabag sa kaniyang isipan. Pababa na sana siya ng hagdan ng biglang nad

