Ram
Nagpunta ako sa birthday party ni Sandoval hoping makita ko si Arabella sa party at makahingi ng sorry. She’s annoying but my parents did not raise me na mam bastos ng babae. “ hey bro glad you made it” Bati ni Kyle. Tumango Lang ako at luminga linga to look for Arabella. “You’re looking for someone?” Takang tanong ni Kyle. “ yeah si Sandoval just want to greet him first at i abot ang regalo ko.” Pagkakaila ko. “Oh he’s at the pool area” Sagot ni Kyle “ really with who?” Mabilis Kong tanong. “ ha? With his friend and family maybe.. what kind of question was that?” Takang tanong nito. Tinapik ko nalang ang braso nito at tinungo ang pool. “ hey Sandoval happy birthday” Bati ko Sabay abot ng mamahaling wine as a gift. “Oh thanks Montemayor.” Sagot nito. We’re not close friends but his parents is a close friend and business partner ng magulang ko. “ I’m surprised you’re here” saad nito. “Im here for Arabella pero mukang wala naman” kausap ko sarili ko. “ yeah my parents want to make sure i abot ko daw ng personal yang regalo nila for you now that your 21 and can legally drink hahaha” biro ko dito. “I’ll call them to say thank you they’re always nice to me. If you’ll excuse me I need to say hi to my other visitors” paalam nito. “ yeah no worries bro” Sagot ko. Nang makaalis ito naglakad lakad ako para hanapin si Arabella pero Wala talaga ito. “ Hindi nga siguro ito pupunta” I was so frustrated kasi I really want to say sorry to her maybe sa school nalang. I went home and now laying down on my California king bed but I’m still thinking about her. Ang mga Ngiti nito habang pinagmasmasdan ang mga batang pulubing tinulungan niya. It’s so real kitang kita mo na galing sa puso just like how she loves the kids sa bahay ampunan. Monday came at nang makarating ako sa aming school ay agad Kong ginala ang aking mga mata hoping makita ko ito. Nakita ko ang best friend nitong May kausap sa phone. Lumapit ako ng ka unti to check baka si Arabella ang kausap niya .
“Oh my god bestie.. nag skip ka talaga ng school para diyan” dinig kong Sambit nito. Patuloy Lang ako sa pakikinig. “Ok so after that you will go straight sa ampunan. Well sorry bestie ha Hindi kita masasamahan Kung 3pm kasi May special project ako kailangan tapusin eh pero Kung 5pm I can go” patuloy ng bestie ni Arabella. “Ay ganoon I’ll see you tomorrow then” nang matapos itong makipag usap agad akong naglakad palayo. So nag skip ng school si Arabella para pumunta sa bahay ampunan pero 3pm pa naman Bakit kaya Hindi siya pumasok Ngayong umaga.. and 5pm tapos na ang visiting hours kaya I know na Hindi ito masasamahan ng bestie niya. After my classes I decided na pumunta sa bahay ampunan. Namili din ako ng mga laruan para Hindi halata na iba ang Pakay ko. “Sh*t ngayon ako ang naging stalker” bulong ko sa sarili ko.
Arabella PoV
Hindi ako nAka attend ng party ni Choy dahil nilagnat ako bigla. Sigurado ako lovenat ito dahil iniiwasan ko si Miguel ko. I decided na hindi muna pumasok ng Monday para isurprise si Kevin. I baked his favorite apple pie at maaga akong nag punta sa bahay nila para iabot ang regalo. Nang makarating ng 7am sa bahay nila ay agad akong nag doorbell. Pinagbuksan naman ako agad ng kasambahay nila matapos ay sinalubong ako ni Tita Helen. “Good morning po tita gising na po ba si Choy?” Tanong ko. “Good morning iha oo maya maya Lang baba na yun let’s go sa kitchen isurprise natin.” Excited na Yaya nito. Nang makababa si Kevin sa dinning area nila ay nagulat ito ng makita ako. Sabay sabay namin siyang kinantahan ng happy birthday matapos ay inabot ko ang regalo ko. “Happy birthday Choy Im sorry hindi ako nakapunta nung Saturday ha nagkasakit kasi ako eh” bati ko dito. “ really how are you? Sana Hindi kana nag abala pa nag pahinga kana Lang” pag aalala nito. Sweet talaga nito ewan ko ba Bakit itong puso ko puro si Miguel nalang. “It’s ok I’m fine na dumaan Lang talaga ako para ibigay saiyo yung gift ko at pinag bake kita ng paborito mong Apple pie” nakangiti Kong Sagot. Nakita kong kinagat nito ang pang Ibabang labi niya para pigilin ang ngiti at kilig. “Thank you.. pero sana.. matamis na Oo mo nalang ni regalo mo saakin” banat nito. “Baliw aga aga landi mo” Sagot ko. Natawa naman sila Tita Helen sa sinabi ko. “Sabay kana saakin Ara papasok sa school” Alok nito. “Oh no Hindi ako papasok today ipapahinga ko muna ang katawan ko.” Mabilis kong tanggi dito. Nang makauwi ako ay nag higa akong muli sa kama ko. I checked my photos sa phone ko at siyempre puro si Miguel ang laman puro stolen shot sa ibat ibang lugar. Pati nga screen saver ko si Miguel eh. “Burahin ko na Kaya Tutal Hindi ko nanaman siya kukulitin eh iiwasan ko na nga diba?.. sayang naman pwede ko naman Huwag burahin kahit iniiwasan ko na siya remembrance ba..” para akong baliw na nakikipagtalo sa sarili ko. Nang makita ko ang stolen shot nito sa ampunan bigla kong naisip na pumunta sa ampunan bukod sa Naiinip kasi akong nakahiga maghapon ay ayoko ng pumunta doon ng nandoon din si Miguel. Tinawagan ko si Gabby para yayain ko ito pero may klase pA daw ito ng 3pm kaya ako nalang ang pumunta. Nang makarating ako sa bahay ampunan ay agad Kong pinuntahan si Father. “Father mano po.. pasensiya na po Kung Hindi po ako nag pa abiso munA bago pumunta dito biglaan lang po gusto ko lang po kamustahin ang mga bata” paliwanag ko Kay Father. “Ok Lang iha Hindi ka na iba saamin dito sige puntahan mo na sila Hindi Lang din ikaw ang biglaaan na papasyal dito pati si Ram nandito din” nakangiting Sagot ni Father “ho? Sino pong Ram?” Kabado kong tanong. “Yung bunsong anak nila Mr ang Mrs Montemayor.” Mabilis na Sagot ni Father. “Shocks yung taong iniiwasan ko pa talaga nandito Papano na ito aatras na ba ako? Tanong ng utak ko. Pinuntahan ko na ang mga bata na ngayon ay mga naglalaro mukang dinalan nanaman ni Miguel ng mga bagong laruan ang mga bata. Nakita kong napatingin ito saakin kaya umiwas ako ng tingin at naglakad palayo sa direksiyon niya. Pero kitang kita ko sa gilid ng mata ko na sinusundan ako nito. “Shocks Bakit ba ito nasunod hanggang sa marinig ko na ang tawag nito. “Arabella!!” Tawag nito saakin. First time niya akong tawagin sa aking pangalan ang sarap sa tenga sh*t. Tumigil ako at liningon ko ito. “Ah yes Bakit mo ako tinawag?” Naiilang Kong tanong ang gwapo kasi talaga nakakainis Bakit itong puso ko super rupok. “I just want to talk to you kung ok Lang” seryoso nitong sagot. “Siguro pakikiusapan ako nitong tumigil na sa Kakakulit ko sakanya baka akala nito Sinundan ko nanaman siya dito. “Ah Miguel kung sa tingin mo Sinundan kita dito Hindi ah nag kataon lang” paliwanag ko dito. Nakita ko itong Ngumiti kaya hinawakan ko ang panty ko baka mahulog eh charot!! “No Hindi ko iniisip yun..” Sagot nito. “Eh Bakit gusto mo ako kausap himala maysakit ka din ba?” Biro ko. Napakunot ang noo nito sa sinabi ko . “ May sakit kaba kaya Hindi ka pumasok?” May pagaalalang tanong nito. Bakit alam niyang Hindi ako pumasok at Bakit parang nag aalala siya pa hopia din ito si Miguel eh. “ Ah Hindi Wala na nung weekend lang but Im ok now” Sagot ko. “Doon tayo Arabella” Yaya nito saakin. Sumunod nalang ako sakanya. Naupo kami sa ilalim ng puno. “I’m sorry Arabella” simula nito. Nagulat ako sa sinabi niya Bakit siya nag so sorry . “Bakit ka nag sorry? At tiyaka ang haba ng Arabella pwede bang Ara nalang or Bella” Sagot ko dito. “Ayoko gusto ko Arabella Bakit marunong kapa saakin” nakangiti nitong sagot. Sh*t pinag titripan ako nito ginaya pa ako. Sinamaan ko ito ng tingin. “Seriously I’m sorry I know narinig mo ang usapan namin ni Kyle sa coffee shop and believe me hindi ko sinasadyang makisakay sa biro niya I know na mali ang mga sinabi namin” seryoso nitong sambit. “Ok lang and thank you at nag sorry ka.. pinatunayan mo lalo na tama na ikaw ang nagustuhan ko” nakangiti kong Sagot. Hindi ito kumibo at yumuko lang. “ I’m sorry Miguel ha ganito talaga ako eh pag May gusto ako sinasabi ko pinakikita ko.. alam mo kasi Miguel Hindi ko man Lang naiparamdam sa mga magulang ko Kung gaano ko sila kamahal.. ang nanay ko namatay sa panganganak saakin ang tatay ko ewan ko Kung nasaan” paliwanag ko. “ I’m sorry to hear that” sagot ni Miguel Ngumiti ako dito. “Yeah ako din I feel sorry for myself na Hindi ko man Lang sila nakilala kaya nga siguro ganito ako Eh ginagawa ko lahat ng gusto ko at sinasabi at pinararamdam ko sa taong mahal at gusto ko ang nararamdaman ko kasi we don’t know kung bukas may chance pA ba tayo na masabi íto at mapakita na mahal natin sila. Sabi nga nila you only live once” patuloy kong paliwanag kay Miguel. “You can live your life in the fullest na Hindi mo kailngang uminom ng para kang lalaki at mag damit ng maiksi at mag make up ng makapal” Sagot nito. Napailing ako. “Bakit kabawasan ba yun sa pagkatao ko Miguel? Pag ba ang lalaki malakas uminom iniisip mo ba agad na wild or pakawala ang lalaking ito. Hindi diba.. that’s why I don’t understand Bakit pag kaming mga babae ang uminom wild agad malandi at pakawala nasa 2020 na tayo Wala na tayo sa 1800” Inis kong Sagot dito. “Buhay mo naman yan kaya ikaw ang masusunod” maiksi nitong sagot. “ don’t worry Miguel naintindihan kitA.. sa hangarin kong maipakita saiyo na gusto kita naging selfish ako Hindi ko man Lang naisip na nagugulo ko yung privacy mo kaya dahil nag sorry ka saakin bilang ganti Hindi na kita kukulitin Hindi nakita susundan Kung saan saan para Hindi ko Masira privacy mo. Pati dito sa ampunan promise iibahin nalang namin schedule ng pag punta dito para Hindi Mo ako makita” Sabay taas ko ng kanang kamay ko. “Hindi mo naman kailangan pang Ibahin Pati schedule mo dahil Lang saakin Arabella” Maiksi nitong sagot. Bakit parang malungkot ito oh feeling ko Lang yun.
Ram
Habang nag da drive ako pauwi Bakit parang gusto kong sabihin kay Arabella na Huwag niyang tigilan ang pangungulit niya saakin dapat nga masaya ako na the most annoying girl in my life ay lalayuan na ako pero iba ang nararamdaman ko. And she kept her promise Hindi ko na ito nakikita sa basket ball practice ko pati sa coffee shop hindi ko na din ito nakikita. I’m hoping na sa ampunan Hindi nito ibahin ang schedule niya pero it looks like she did dahil Hindi ko din ito nakita sa ampunan. Sa school naman pag nag kakasalubong kami ngiti lang ang binibigay niya saakin tapos mabilis na lumalakad palayo. Nakikita ko din itong Kung Hindi ang best friend niya ay si Sandoval ang kasakasama nito. “Hey sinong pinagmamasdan mo diyan si Arabella nanaman at si Sandoval?” Usisa ni Kyle. “Hindi no May iniisip lang ako” kaila ko. “Sige deny pa.. pero eto dahil malakas ka saakin nakita kong nag sign up yan si Arabella as volunteer doon sa ampunan sa Baguio 3 days daw ang give back program na yun this week end kaya volunteer ka na din para ma solo mo wala si Sandoval doon.” litanya ni Kyle saakin.
“I already volunteered not because of her dahil sa gusto ko” Sagot ko dito kahit hindi pa naman talaga ako ng volunteer.