Chapter 1 Meet Arabella Santos

2056 Words
Arabella “Bella.. gising na tanghali na!!! Ano ka nanaman bằng Ora’s umuwi kagabi bata ka?!!” Gising saakin ni Tita Carla. “Maaga po tita.. literal na umaga po” nakapikit Kong Sagot. “Ikaw talagang bata ka.. sinasabi ko saiyo Bella bawas bawasan mo yang pag bubulakbol mo.. tumayo ka na diyan at May pupuntahan tayo. Nanlaki ang aking mga mata ất tumayo agad ng marinig ko ang sinabi ni Tita na may pupuntahan kami. “Pupunta po tayo sa bahay ampunan ulit?” Excited Kong tanong. “Oo kaya mag ready kana At please Lang Bella Huwag mong isuot ang pang party clothes mo” bilin ni Tita Carla. Ka agad akong tumayo at naligo. Matapos Kong mag skin care routine ay pumili na ako ng damit na isusuot ko. Nagsuot na Lang ako ng skinny jeans at crop top eto na kasi ang pinaka disente kong damit hahaha papa tungan ko nalang ng jacket. Kinulot ko sa ilalim ang buhok ko at nag lagay ako ng make up. Sabi ni Tita Carla hindi ko naman daw kailangan mag make up mas maganda daw ako pag walang make up. Alam ko naman yun pero for some reason feeling ko mas maganda ako pag na ka make up at Medyo natatago ang lungkot saaking mga mata pag naka eye shadow ako ganern!!! Namatay daw ang nanay ko ng ipanganak ako at ang tatay ko naman daw ay missing in action. Si Tita Carla na ang tumayong magulang ko. Wala itong asawa at anak actually Lumaki akong nakikitang May mga babaeng sumusugod sa bahay at pinararatangan siyang kabit. Pero ang katunayan Marupok ang Tita Carla Pagdating sa pag ibig ma bilis mabola kaya a yun Hindi niya alam na yung mga nakaka relasyon niya eh puro May asawa pala. Masipag ito at ma diskarte ang kaunting perang pinagbentahan ng bahay ng kaniyang mga magulang ay napa lago niya. Pero Ang mga mapang husgang tao galing daw sa pagiging kabit niya sa mayayamang lalaki ang mga negosyong Nai Pundar niya. Meron itong jewelry shop at flower shop. Marami na din itong mga branch sa ibat ibang parte ng Pilipinas kaya na bibigay nito lahat ng Luho ko. Minsan naawa ako dito kasi mukang tatanda na yatang dalaga swerte kaya ng mapapangasawa ni Tita Carla. “Bella tapos kana ba Tara na ma lelate na tayo” sigaw ng Tita. “Opo bababa na po” Sagot ko habang pababa ng hagdan. “Bakit ba excited kang pumupunta sa ampunan? Huwag mong sabihing crush mo si Father?” Usisa ni Tita Carla. “OMG Tita mag hunusdili ka!!! Pati ba naman si Father of course not.. masaya Lang akong nakikitang napapasaya natin ang mga bata” Sagot ko. Nakita Kông Inirapan ako nito na tila Hindi naniniwala saakin. Minsan sa isang buwan napasyal kami dito sa ampunan nag dadala kami ng laruan at pagkain. Nang makarating kami sa ampunan kay Lapad ng ngiti ko dahil tama ang hinala ko Hindi Lang kami ang nandito ngayon para sa mga bata. Nagsalamin muna ako to make sure Hindi pa agnas ang make up ko. Lumapit si Tita kila father at sister pero ako ang mga mata ko nakatitig Lang sa isang tao na ngayon ay nakikipag laro sa mga bata. “Bella!!” Tawag ng Tita Carla. Mabilis akong lumapit kila Father at sister at nag Mano. “ Tita can I start giving Toys to the kids?” Tanong ko. “Sige Bella..” Sagot ni Tita “Nandito din pala ang bunsong anak nila Mr. At Mrs Montemayor na si Ram at nag dala ng mga bagong damit at groceries baka maka salubong mo iha” saad ni Father. Tinignan ako ni Tita Carla ng May pang huhusga tila nahulaan nito Bakit ako excited pumupunta dito. “Ah sige po puntahan ko na po ang mga bata” sabay peace sign ko Kay Tita Carla. Sinadya kong lumapit kung saan nakikipag laro ang aking prince charming sa mga bata. Muli ko nanaman nAsilayan ang napaka gwapo nitong muka at matatamis na ngiti. “Randall Miguel Montemayor my school mate my crush and my future boyfriend Huwag kayong nega!! I claimed it already walang Masamang mangarap ng gising” Tuwing lumalapit ako yung ngiti niya nawawala tapos umiiwas saakin siguro crush din ako tinatago lang. Pareho kami ng school na pinapasukan pero ang hirap mag papansin sakanya doon dahil maraming mga babae din ang lumalapit dito. Hanggang sa naisipan kong alamin Kung saan saan ito na punta. At nalaman kong isa ang bahay ampunan sa madalas niyang puntahan kaya alam niyo na Bakit ako excited pumunta dito. “ ate Ganda Tara po lapit tayo kay kuya pogi pakikilala kita” hila hila ako ni cherry isa sa mga paborito kong bata dito kasi pasmado ang bibig nito mana saakin hahaha. “Kuya pogi” tawag nito kay Miguel ko. Nang lumingon si Miguel saamin kay bilis ng pintig ng puso ko para na ngang lalabas na sa dibdib ko eh. Napangiti ito ng lumingon pero as usual ng ma silayan niya ang beauty ko kumunot ang kilay at nawala ang mga ngiti. “ kuya pogi kilala niyo na po ba si ate Ganda si Ate Bella po” pakilala ni Cherry. Si Miguel ko naman Hindi kumibo. Napanguso ako dahil super sungit nito saakin. “ Ah ate Bella siya po si kuya Ram” patuloy ni Cherry’. Hindi ko alam anong sasabihin ko o gagawin ko dahil nakatingin Lang ito saakin. “Ahh.. Hi Ram” putek Bakit pabebe ako. “Ate Bella super pabebe mo napaghahalataan kang May gusto kay kuya Ram” asar nitong batang pinaglihi sa pamasdong bibig. “Cherry mga bata pa kayo Wala pa kayong alam sa mga gusto gusto” pangaral ni Miguel kay Cherry. “Shocks Miguel mag papari ka ba please Huwag sayang ka” Wala sa sarili Kong saad dito Kung maka sermon kasi wagas. Hinawakan nito ang braso ko at Hinila palayo sa mga bata. Para namang May libo libong bultahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko.. partida pa yan hawak palang yun ha charot!! “ can you please stop talking that way pag na sa harap ka ng mga bata kaya Kung ano anong natutunan nilang Hindi maganda eh sa mga katulad mong bad influence” mariin nitong sambit saakin. Nagulat ako sa sinabi nito. Hinila ko ang kamay ko sa pag Kakahawak niya. “ grabe ka naman Miguel kung makapag salita ka saakin para naman kilalang kilala mo ako ha” nahihiya Kong Sagot kasi nanliit ako sa sinabi niya at nasaktan. “Call me Ram not Miguel!!” Pagtatama nito saakin. “Ayoko ng Ram!! Bakit marunong ka pa saakin Miguel gusto kong itawag saiyo” angil ko dito. Nakita kong napapikit ito sa Inis at tuluyan na ngang lumakad palayo saakin. “Shocks self congratulations!!dami mong points dun hinawakan kana kinausap ka pa” kilig Kong bati sa sarili ko. “ bestie!!! Sigaw kong tawag sa best friend kong diyosa na si Gabby ng makita ko ito sa aming school. “ ano nanamang tinitili mo diyan? Lahat ng estudyante nakatingin saiyo sa lakas ng bibig mo!!” Masungit nitong sagot. “ sorry naman ang aga aga ang sungit mo may Regla kaba!!? Asar ko dito. Pero Hindi ito kumibo at inirapan Lang ako “kasi pinansin na ako ni Miguel” kilig Kong balita dito habang yugyog ko ang balikat nito. “ my god Ara! Mababalian ako saiyo niyan eh.. but seriously kinausap kana ni Montemayor? Anong sabi saiyo?”Nakangiting tanong nito. “ Sabi niya Tumigil daw akong maGsalita ng Kung ano ano sa harap ng mga bata sa ampunan kaya daw maraming natutunang Hindi magaganda yung mga bata dahil daw sa katulad Kong bad influence.. tapos hawak hawak pa niya ako sa braso ko” excited kong kwento kay Gabby. Nakita kong nakaawang ang bibig nito na parang gulat na gulat sa sinabi ko. “Hoy best friend!!! Ano ok diba dami niyang sinabi saakin!!?” Tanong Kong muli. “ hayyyy Arabella!!! Malala kana sa lahat ng ininsulto ikaw ang masaya..” nAkahawak ito ngayon sa noo niya. “ ok Lang yun tinatago Lang non yung tunay na nararamdaman niyA.. Aamin din yun tignan mo man” Sagot ko dito. Tinignan ako nito ng matalim . “Arabella Hindi bawal mangarap pero bawal mabaliw sa pangarap” tatawa tAwang Sambit ni Gabby. “ baliw na nga ako.. baliw na baliw Kay Miguel ko” Sagot ko dito. “Ay shocks let’s go best friend samahan mo ako Dali” Yaya ko dito habang hila hila ko ito. “Anong ginagawa natin dito sa GYM?” Nakapameywang na tanong nito. “Ayun oh si Miguel nag pa paractice ng basket ball.. siya ang dahilan bakit nandito tayo” turo ko pag pasok namin sa GYM ng school namin. “Correction ikaw Lang hindi tayo” masungit nitong sagot. “ GO MiGUEL!!!!” Sigaw ko habang pinapanood ko ito. Nakita kong umiling ito ất Kumunot muli ang mga noo ng marinig ako. “Ang cheap talaga.. Hindi na nahiya” parinig ni Maggie. Nandito din pala ito. Isa ito sa mga babaeng may gusto din kay MIGUEL ko. Ang pinag Kaiba namin malapit siya sa pamilya ni Miguel pero mukang Wala naman gusto si Miguel sakanya kaya yan bitter. Hindi ko ito pinansin at sumigaw akong muli. “Go baby Love Miguel!!!” Sigaw at palakpak ko ng maka shoot ito. Nakita kong nag lakad ito papalapit saamin. I’m sure Inis nanaman ito at pagtatabuyan nanaman ako. “ Can you please stop screaming my name and don’t call me baby love Hindi kita girlfriend ” masungit na saad nito. “ Correction Miguel.. Hindi pa.. Hindi pA kita jowa pero Malapit na” sabay kindat ko dito at lakad palabas ng GYM. Nang makarating kami sa canteen ni Gabby ay agad Kong kinuha ang phone ko at tinignan ang picture ni Miguel na stolen shot sa ampunan. Ang mga ngiti nito habang Kalaro ang mga bata ấy nakakatunaw. “ hoyyy!!! Malala kana nga ngayon picture naman pinag nanasaan mo.. kailan ka ba magigising na Hindi ka magugutuhan ni Montemayor ha!!? Direstsahang tanong ni Gabby. “ grabe siya oh.. Bakit naman siguradong sigurado ka na Hindi ako magugustuhan.. pangit ba ako? May Putok ba ako?” Sagot ko dito. “Ara Hindi ikaw ang tipo ni Montemayor.. mahilig daw yun sa simple at mahinhin at kabaligtaran ka ng gusto niya.” Nakangisi nitong saad saakin. “ Hindi ko alam talaga Kung bestie kita o basher eh.” Angil ko dito. “Bestie mo ako kaya nga pinapangaralan Kita dahil ayaw kong masaktan ka.. pero I’m still here to support you sa kabaliwan mo” seryoso nitong sagot. Ang mga tao nga nag tataka Bakit kami mag best friend ni Gabby dahil kabaligtaran ko ito. Mahinhin at simpleng manamit si Gabby Hindi din ito mapag make up pero super Ganda nito kaya tawag ko sakanya Diyosa maraming nanliligaw pero walang sinasagot. “Ara!! Wait” dinig kong sigaw ni Kevin. “Not again” bulong ko sarili ko ng marinig ko si Kevin. “Ara for you..” Sabay abot nito ng rose. “Thank you.. hindi kana sana nag abala pa” Sagot ko . Masugid kong manliligaw si Kevin. Matalino gwapo mayaman higit sa lahat magkaibigan si Tita Carla at mommy nito. “ you know naman I’ll do everything for you” nakangiting Sagot nito. Hindi ako kumibo at nag patuloy ako sa pagLalakad papunta sa parking lot to get my car and go J&R coffee shop kung saan madalas tumambay si Miguel ko. “Sabay na ako saiyo Ara? May pupuntahan kaba?” Tanong nitong muli. “ oo sa coffee shop Lang bakit?” Walang gana Kong Sagot. “ Sama ako.. ok Lang ba?” Nahihiya nitong tanong. “Ikaw bahala” Maiksi kong Sagot. Nang makarating kami sa coffee shop tama nga ako at nan doon na si Miguel ko. Pinagbuksan ako ng Pintuan ni Kevin matapos ay pinag hila pa ng upuan. “ just tell me what you want I’ll order it upo kana Lang” Utos ni Kevin. Nabaling ang mata ko Kay Miguel na ngayon ay matalim ang mga matang nakakatitig saakin. “ hmmm sungit talaga” bulong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD