Ysabella "What time ba ang appointment mo kay Miss Divine?" tanong ni Rezanie habang inayos ko ang mga gamit ko. Tinawagan ako ni Miss Divine a day before the exhibit para humingi ng sorry dahil hindi ito makakapunta. Nagkaroon kasi ito ng emergency at naiintindihan ko naman iyon. Nag-request na lang ito na padalhan ko ito ng picture ng mga paintings ko at may lima itong binili. Hindi man ito nakarating personally pero sobrang grateful na ako dahil na appreciate nito ang mga paintings ko. Imbes na ipa-deliver ko ay ako na mismo ang nagsabi na magde-deliver ng mga paintings dito. Nagkataon naman na may meeting kami para sa iba pang details ng Anniversary party nito kaya tamang-tama lang ang timing. "Ngayong lunch Bes, iyon kasi ang oras na binigay ni Miss Divine at gusto niya na roon

