Ysabella "Akala ko ba hindi mo na siya iiwasan?" tanong ni Rezanie habang may inaayos ako na files sa laptop ko. "Hindi naman talaga ah," sagot ko na hindi inalis ang tingin ko sa screen. "Bakit sina Aiza ang pinapunta mo?" tanong ulit nito at tumingin ako rito. Wala naman talaga ako balak na sumama sa farm dahil una ay hindi naman ako kailangan doon at pangalawa ay ayaw kong makasama ulit ang binata. Sa ilang oras na pag-stay namin sa bahay ni Miss Geraldine ay hindi ko nagustuhan ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Galit na galit ako sa sarili ko dahil hindi ko mapigilan ang maapektuhan. Every time na nakikita ko na magkalapit si Matthew at si Stephanie ay hindi ko mapigilan ang mainis. Binanggit pa ni Miss Geraldine na close ang dalawa at gustong-gusto ni Stephanie ang bina

