Ysabella "Sorry guys kung na late ako ng dating. Dumaan pa kasi ako kina Dad para dalhin iyong mga gamot niya," hinihingal na sabi ko sa dalawa. Nakangiti na tumango ang mga ito at nakipag-beso ako bago umupo. Napangiti ako dahil umorder na ang mga ito ng pagkain. Gutom na gutom na ako kaya agad ako kumuha ng isang slice ng pizza. "Kumusta naman si Tito?" tanong ni Aileen. "Ang tanong may kasama ba si Tito?" makahulugan na tanong ni Rezanie at napatingin sa akin si Aileen. Kinuwento ko rito kung ano ang nangyari noong nakaraang araw na sinugod sa hospital si Dad. Nanlaki ang mata nito nang sabihin ko na wala itong kasama noong mga oras na nawalan ito ng malay sa banyo. Kay Rezanie ko binuhos ang lahat ng galit at hinanakit ko kinabukasan dahil hindi ko iyon nailabas sa hospital.

