Sophia "Are you sure with your decision Sophia?" tanong ng Manager ko at huminga ako ng malalim. Pagkatapos ng show ko sa Italy kung saan ay nakita ko si Tita Divine something hit me. Sinabi ni Tita Divine na masaya na si Matthew sa bagong girlfriend nito pero iba ang nararamdaman ko. Mula ng maghiwalay kami ni Matthew ang mga lumipas na buwan ay parang wala na ako sa sarili ko. Tinatangay na lang ako ng agos kung saan ito papunta. Hindi katulad noong mga panahon na kasama ko si Matthew. He was my biggest fan and he supported me in everything I do. I was doing my very best because I want him to be proud of me. Sa lahat ng show ko ay hindi ito nawawala. "Bakit nga ba ngayon ko lang na realize ang lahat?" tanong ko sa sarili ko ng maalala ko si Matthew. Walang araw na lumipas na hindi

