James Matthew "Sir Matthew, there is someone want to talk with you but he do not have a appointment," sabi ni Ronan at tinigil ko ang ginagawa kong pagbabasa ng report. "What his name?" tanong ko rito. "Mr. Robert Magnaye, he told me that you personally know him," sagot ni Ronan at natigilan ako sandali. Hindi ako pwedeng magkamali dahil iyon ang pangalan ng father ni Ysabella. Nagtataka ako kung bakit ako pupuntahan nito at bigla rin akong kinabahan sa maaring sabihin nito. Obvious naman kasi na hindi ako nito gusto mula pa noon hanggang ngayon. Mabuti pa ang mother ni Ysabella dahil ilang beses ko lang nakausap ay nakasundo ko na agad. Sinabi ko naman dito na mahal na mahal ko si Ysabella at wala akong hindi gagawin para sa kanya. Sayang nga lang at nagkasakit ako nang araw na da

