James Matthew Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang kanang binti ni Ysabella na nakapatong sa binti ko at kumiskis sa gilid ko. Tiningnan ko ito at nakapikit pa ito. Gustong-gusto ko na pagmasdan ang mukha ni Ysabella. Pagdating namin kagabi ay tumambay pa kami sa beach para mag-unwind at uminom ng konti. Masaya na kwentuhan at mga biruan ang pinagsaluhan namin kasabay ng pag-inom. Pagbalik naman namin sa kwarto namin ay nakatulog na agad kami dahil sa sobrang pagod. "Babe," mahinang tawag ko rito para alamin kung tulog pa ba ito at umungol lang ito. Hinalikan ko ito sa may ulo at mas dinikit pa nito ang katawan nito sa akin. Naramdaman ko ang kamay nito humaplos sa may dibdib ko papunta sa may leeg ko. Umangat ang tingin nito sa akin at ngumiti. Binaba ko ang labi ko sa labi nit

