Pagbukas ni Althea ng pinto ng villa, bumungad agad sa kanya ang mahinang simoy ng gabi. Ramdam niya ang init at lamig na nag-aagawan sa hangin—parang eksaktong kabaligtaran ng nararamdaman niya kay Sebastian, na laging may halong init at lamig, calm pero dangerous, safe pero nakakapaso. Nasa beachfront dining area sila ng resort—isang intimate setup na may wooden deck, string lights na nakasabit sa pagitan ng mga palm trees, at isang long table na para lang talaga sa dalawa. Sa tabi ay ang mahinang hampas ng alon, parang soundtrack ng gabi. Sebastian stood there waiting. Naka-dark linen shirt ito, rolled up ang sleeves, slightly unbuttoned. Simple. Pero sa mukha nito, may ngiting ang hirap i-interpret. Hindi siya sigurado kung friendly, teasing—o may itinatagong seryosong intensyon. “

