Pagkasakay ni Althea sa kotse ni Sebastian, hindi niya alam kung dapat ba siyang huminga ng malalim o huminto na lang sa paghinga. Ang tahimik sa loob ng sasakyan, pero ramdam niya ang tensyon—hindi ‘yung masamang uri, kundi ‘yung nakakakiliting uri na parang gusto mong takasan pero ayaw mong matapos. Tahimik lang si Sebastian sa una, steady ang kamay sa manibela, naka-focus sa daan habang ang mga ilaw sa kalsada ay naglalaro sa kaniyang mukha. Ang ilaw ng street lamps ay tumatama sa matikas niyang panga, sa matang parang laging nagmamasid, at sa ngiting halos hindi halata—pero nandun. Hindi na nakatiis si Thea. “You didn’t have to drive me home,” aniya, mahinahon pero halatang kinakabahan. “Didn’t I?” sagot ni Sebastian, hindi inaalis ang tingin sa kalsada. “Lianne said, ‘pakihatid ng

