Busy ako ngayon na nagliligpit ng lahat ng gamit ko sa aking apartment. Yong mga furnitures dito na binili ko, iiwan ko na lang o ido-donate. Hindi ko naman makukuha ang ito sa bago naming bahay. Oo, namin! We have our own house at ilang araw na rin kaming nakatira roon although wala pang gaanong gamit. Si Falco ang pinapili ko kung anong gusto niya sa kitchen eh magaling na chef siya and I want him to be comfortable sa mga gagamitin niya. Kinausap ko rin sila tungkol sa interior ng kanilang home office na nasa bahay and so far gusto lahat nila ng suggestions ko. Day off ko today at kasama ko si Amethyst para tulungan ako sa pagliligpit. Nagkausap na rin kami and she's okay naman sa ginawang desisyon ng kambal. Sayang nga lang, gusto ko sanang maging sister-in-law ko siya pero wala eh. Bal

