Ilang weeks na ang nakalipas nang makalabas na ako ng hospital. Two days lang naman ako doon, sinigurado lang nila na wala akong malala na injury. I have just bruises on my arms, sa tiyan at sugat sa mukha. Namaga siya talaga pero ngayon okay na, gumagaling na rin lahat ng natamo kong sugat. Yeah, gumagaling siya pero yong traumatic experience na natamo ko, hindi siya mawala sa isip ko. I'm having nightmares every night at bigla na lang akong magigising, scared and out of breath. Napapansin yon ng magkakapatid, minsan ginigising nila ako dahil nagwawala ako while in my sleep. Nakikita ko ang awa sa kanilang mga mata and I feel so ashamed of myself. Feeling ang dumi-dumi ko na, umiiyak na lang ako bigla pag nakikita ko ang aking katawan at mukha na may pasa. Hindi ako makapaniwala na nagawa

