Pagkatapos ko ayusin ang sarili ko, I just wore a tube dress, under it is my purple lacy 2 piece. Bumaba na ako pababa para silipin kung nakarating na ba ang mga kaibigan ko. Nadatnan ko sa sala ang mga kaibigan ni Suzy, including her.
“Sino siya Suzy? I thought you're an only child?” Narinig ko na tanong ng isang babae.
“Half sister.” Bored na sagot ni Suzy.
Nilagpasan ko lang sila para silipin si manang sa kusina.
“Manang?”
“Inaasikaso na po ni nay maria ang dalawang kaibigan niyo senyorita.” Si ate Lucille ang bumungad sa'kin sa kusina, at sumagot sa'kin.
“Thank you ate, I'll get going na.” Tugon ko at lumabas ng kusina, kitang kita ko ang tingin ng mga tao sa'kin na nasa sala.
I know I'm pretty, lol.
Saktong paglabas ko sa front door, ay ang pag pasok naman ni manang.
“Iniwan ko na sa pool side ang dalawang kaibigan mo hija, mag enjoy kayo” ani manang.
“Thank you manang, may iniwan akong isang cake sa ref, para sainyo.” nakangiting sambit ko, pagkatapos ay dumiretso na ako sa mga kaibigan ko.
“Hey girls” bati ko sakanilang dalawa, naka upo sila sa sun lounger, parehong may fruit shake na iniinom.
“Hey, Zue! your mansion is so pretty.” Nakangiting bati sa'kin ni Catalina, habang si Brixley ay tumayo para bumeso sa'kin.
“Thanks, it's my dad's.” Sagot ko sakanila at umupo sa pangatlong sun lounger.
“You’re rich huh.” Puna ni Brixley.
“Come on, I'm not.” I giggled when Catalina jokingly pulled my hair.
“It will be yours someday babe.” Brixley said.
“Come on, are we gonna count wealth here?” Natatawang sambit ko, kaya natawa silang dalawa.
“Come on, let's swim” aya ni Catalina.
Hinubad nila ang dress na suot nila, damn these girls are hot. Pare pareho kami ng swimsuit na suot, iba iba lang ang kulay. Mine is purple, Brixley is blue, then Catalina si Pink.
Lumusong kaming tatlo sa pool, hindi mainit dahil may bubong ang parteng may pool na.
Ilang oras kaming lumalangoy at nag laro, hanggang sa mapagod kami, at napag desisyunan naming umahon at kumain.
“Cheat day” sambit ni Catalina kaya natawa ako.
Kumuha ako ng isang pizza tsaka ito kinagatan. Habang si Brixley naman ay cake ang kinakain, while Catalina donuts.
“Hm, this is so good. Masarap pa sa cake ng cafe na tinatambayan ko. Sino nag bake nito?” tanong ni Brixley.
“Ako, binake ko kanina habang inaantay ko kayo.” sagot ko sakanila habang umiinom ako ng fruit shake ko.
“The fruit shake too, this is so good.” sambit ni Cat.
Saktong ubos na ang fruit shake namin nang lumabas si Suzy. Napagkamalan siyang kasambahay ni Brixley. Bago ko pa mapigilan si Brixley, nautusan na niya ito, which resulted into Suzy, being mad.
“Hey excuse me? Are you the maid here? Can you please refill our fruit shake?” ani Brixley.
“Excuse me, do I look like a maid to you?! galit na sigaw ni Suzy.
“Ah, so you're not a maid, I'm sorry you look like one kasi. My apologies.” walanghiyang sagot ni Brixley kaya natawa ako.
“Xey, just apologize come on.” mahinahong sambit ni Cat.
“Cat, I already did.” tugon ni xey.
“I’m sorry with that Suzy, it's just a mistake, anyway. Girls, my step sister Suzy, anak ni Suzette, kina kasama ng dad ko.” nakangiting pakilala ko sakanila.
“Oh, that's why.” Xey said.
Sa sinabi ko na ’yon, nagpa galit kay Suzy, at biglang sumugod sa'min. Galit na galit ang expression niya, akmang itutulak niya si Xey, nang bigla ko itong hinigit, resulting for Suzy to fell on the pool.
“Oh, what a poor girl.” I can see the fake empathy on Cat.
Suzy shouted and threw curses at us, I just stood there and watched her throw tantrums. Lumabas ang mga kaibigan ni Suzy at tinulungan siya maka ahon sa pool.
She was about to throw hands, pero pinigilan siya ng isang matangkad na lalaki, probably her boyfriend.
“It’s a honest mistake girl, you look like a fool.” sambit ko para tumahimik na siya.
“No, sinadya mo ’yon Nazue. If you hate me that much, huwag kang mandamay.”
“Don’t worry darling, I am hating you alone. I don't need to recruit people to hate you, anyway. You can now have this side, we'll just watch a movie, you ruined the mood.” Iritang sambit ko at inirapan ko siya, inaya ko ang dalawa at nilagpasan silang lahat.
“Wews, I thought she's kind, she's a badass.” hindi naka takas sa pandinig ko ang sinabi ng isang lalaki.
“Shut up, troy. She's a bitch.” tugon ni Suzy sa nag ngangalang troy.
Inabutan ko muna ng robe si Cat, dahil si Xet ang unang mag babanlaw, nag suot na rin ako ng robe at bumaba sa kusina.
“Ate Lucille, can you prepare our lunch please? Sa room ko nalang po kami kakain.”
“Masusunod senyorita, ihahatid ko nalang po ang pagkain niyo kapag natapos ko na.” Mabilis na sagot niya at nag umpisa nang mangalap ng ingredients para sa iluluto niya, tumalikod naman na ako agad para maka balik sa kwarto ko.
Si Cat na ang naliligo ngayon, may dala silang mga damit, kaka hatid lang siguro ng isa sa mga kasambahay ng mga gamit nila. Lumipas ang ilang minuto at tapos na rin si Cat.
Mabilisang ligo ang ginawa ko at agad akong natapos, nag bihis na ako ng pambahay at lumabas na sa walk in closet ko, nadatnan ko ang dalawa na nasa kama ko nanonood ng kdrama.
Akmang uupo ako kasama sila nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
“Must be our lunch” sambit ko at tumayo para buksan ang pintuan.
Pina lapag ko nalang sa dalawang kasambahay ang mga dala nilang pagkain sa maliit na kitchen sa kwarto ko, may mini table and sofa rin sa may tapat ng TV, kaya hindi kami mahihirapan manood. Inayos lang naming tatlo ang mga pagkain at nag simula nang kumain habang nanonood.
“I want this kind of relationship” Xey randomly said.
“Hm, same. I want a soft love, soft-spoken man” tugon ni Cat, at tinuloy ang pagkain.
Tahimik lang ako hanggang sa matapos ako kumain, sumunod si Cat, at huling natapos si Xey.
Inubos namin ang oras panonood hanggang sa mag gabi na, at kailangan na nilang umuwi.
“Shame, I want to sleep here though.” malungkot na sambit ni Xey.
“There’s still a next time Xey, hindi naman ako aalis." Magaang sambit ko para gumaan ang pakiramdam niya.
Napag desisyunan na nilang matulog dito, kaso biglang tumawag ang parents niya, kaya kailangan niyang umuwi. Ayaw naman ni Cat na siya lang mag oovernight dito, kaya sabay na silang uuwi ni Xey.
“See you next time girls.” paalam ko sakanilang dalawa bago sila pumasok sa sasakyan, hahatid sila ni kuya jet, one of our drivers.
Saktong pag alis nila, ito namang pag dating ni Dad and Suzette. I didn't mind them, napaka ingay din sa pool area dahil sa mga barkada ni Suzy.
“Goodevening anak” bati ni dad nang maabutan ako sa may sala, hinalikan niya rin ang tuktok ng ulo ko.
“Goodevening too daddy, nag dinner kana?”
“Yes daughter, osiya pupunta na ako sa kwarto ko, I want to ask you if you and your friends enjoyed here, but I'm really tired daughter, I'm gonna sleep now.” Nakangiting saad niya, pero kitang kita ang pagod sa mga mata niya.
Must be a problem on the company, or I don't know.
“Good night too, daddy.”