Pagkauwi namin sa resort nag kanya kanya na sila ng pahinga sa sofa at kwarto, mga walanghiya. Naiwan si Harry sa kusina, iniwan ko muna siya para puntahan si Sevan. “Hey baby.” bati ko sakanya pag pasok ng kwarto, nakita ko siyang kumuha ng damit na pampalit niya. “I’m sorry baby, I can't help you sa pag luluto, medyo sumama ang pakiramdam ko.” sagot niya habang hinuhubad ang t-shirt niya at nag palit ng sando nalang. “Okay lang ’yon, pahinga kana muna para maka bawi ka ng lakas, baka nabigla katawan mo sa weather, umambon pa naman kanina.” sambit ko at inayos ko ang mga unan niya, iniwan ko lang siya sa kwarto nung nasigurado ko na komportable na siya. “Thank you baby, matutulog muna ako.” sambit niya na tinanguan ko. “Okay baby, sleepwell.” malambing na sambit ko at hinalikan

