I stared at myself in the mirror. Red eyes. Shaky breath. Nangingitim na eyebags. Para na akong multo sa sariling katawan. Pero kailangan kong bumalik. Kailangan kong ayusin ang itsura ko. Hindi pwede. Hindi pwede niyang mahalata. Kinuha ko ang foundation sa bag, pinatungan ang mga bakas ng pag-iyak. Lip tint. Konting hilamos ng confidence. Konting practice ng ngiti sa salamin. “Fake it. Smile. Kaya mo ’to, Maurice.” When I stepped out of the restroom, the hallway felt colder than before. Parang mas maliwanag, pero mas madilim ang pakiramdam ko. Bawat hakbang ko pabalik sa opisina, parang may nakadikit na kadena sa paa ko. Mabigat. Masakit. Nakakaguilty. Pagdating ko sa desk ko, naroon pa rin si Watt sa loob ng office niya. Nakatalikod habang may kausap sa telepono. Nakalaylay ang coat

