Hindi pa rin nawawala ‘yung tensyon sa pagitan namin ni Margarita kahit parehong tahimik lang kami sa office. I could feel her dagger stares habang inaayos ko ‘yung mga files sa desk ko. Kapag nagkakasalubong kami sa hallway, pareho kaming umiiwas ng tingin. Wala na ulit basaan ng tubig o sabunutan, pero para kaming dalawang pusa na hinihintay lang ang tamang timing para magbangayan ulit. “Miss Miranda, can I have a moment?” tawag sa’kin ni Mr. Forteros sa labas ng glass wall ng opisina niya. Napalingon ako, medyo napatayo agad. “Yes, sir?” He smiled. Not that polite, CEO-kind of smile. It was soft. “Lunch?” Namilog ang mata ko. “Huwag na po siguro sa Italy, nakakahiya na.” Napangisi siya. “Noted. Dito lang, promise. May alam akong masarap na kainan sa malapit.” Well, gutom na rin ak

