Maurice Miranda’s POV Nagmamadali akong umuwi, halos hindi ko na napansin ang mga dumadaang sasakyan sa kalye. Ang mga mata ko namumugto, hindi lang dahil sa pagod kundi dahil sa bigat ng emosyon na parang hindi ko na kayang buhatin. Pagdating ko sa apartment, hindi na ako nagpalit. Dire-diretso ako sa sala, saka naupo sa gilid ng lumang couch na halos magsira na sa tagal ng gamit. Napayuko ako at napahawak sa ulo ko. Hindi ko alam kung maiiyak ako o magsisisigaw. Siguro pareho. “Bakit mo ginawa ’yon, Watt?” bulong ko sa sarili ko habang pinipilit intindihin ang pangyayari. “Bakit mo winasak lahat?” Pinaghandaan ko ’yong presentation na ’yon ng sobra. Araw-araw akong nag-practice, nagpuyat, tiniis ang kaba, inaral lahat ng detalye—lahat. Ginawa ko ang lahat para mapatunayan na kaya ko

