Pagkababa ni Mr. Forteros para mag-check ng tawag o kung anuman 'yong emergency meeting kuno niya sa phone, naiwan akong mag-isa sa loob ng private suite niyaâmalamig, tahimik, at masyadong maganda para sa tulad kong janitress-turned-unemployed-gal. Tumayo ako sa tabi ng glass window na may view ng buong lungsod. Mga ilaw, sasakyan, at mataas na gusaliâlahat parang reminder na hindi ako parte ng mundo niya. Kahit ilang tinapa pa ang iluto ko, hindi ko kayang sabayan âto. I hugged myself. Minsan kasi kahit may yumakap sayo sa kama, hindi ibig sabihin buo ka na ulit. Hindi ko na hinintay na bumalik siya. Tahimik akong lumabas ng suite, dala lang ang maliit kong shoulder bag. Pinulot ko pa nga 'yung isa kong sapatos sa gilid ng couch. Yes, girlânaglakad akong medyas ang isang paa palabas

