Pagkatapos ng event, pagod na pagod ako, besh. Para akong nilamon ng washing machine tapos piniga ng dryer. Hindi biro ang maglinis ng buong hall habang pinagtatawanan ka pa ng ibang staff na akala mo kung sino kung makaasta. "Girl, napagod ako," reklamo ni Daphne habang humihikab. "Tara, kape tayo?" "Tara," sagot ko naman, hinahagod ang likod kong parang 70 years old na. Bumaba kami sa maliit na pantry sa ground floor. Si Daphne bumili ng dalawang instant coffee sa vendo, tapos umupo kami sa sulok. "Kahit pagod, ang saya ng event, noh?" sabi niya. "Oo," tango ko. "Lalo na nung tinulungan ni Mr. Forteros yung bata. Para siyang knight in shining armor." "Kaso, hindi armor. Fitted suit…" tawa niya. “Knight in fitted suit,” Magkasabay na bgkas namin at sabay kaming nagtawanan. Ang sara

