Habang busy akong ngumunguya ng mamahaling tsokolate sa sulok ng locker room, feeling ko ako si Queen Elizabeth, biglang bumukas ang pinto.
"Hoy, anong tinitikman mo d'yan?" bungad ni Daphne, ang aking napaka-chismosa pero lovable na bestie.
Napalunok agad ako ng chocolate at umarteng inosente. "Wala! Vitamin lang!"
Nilapitan niya ako at nakita 'yung black na box ng chocolate na nakabukas pa.
"Uy, sa'yo 'yan?" tanong niya habang tinutusok-tusok ang box gamit ang daliri niya na parang detective.
"Uh... siguro? May naglagay sa locker ko eh," sagot ko, medyo pa-sweet ang tono ko.
Napahalakhak si Daphne. "Ako kaya 'yon, tanga! Nakita ko 'yang box na 'yan sa pantry, parang walang may-ari. Eh sabi ko, deserving ka ng freebie kasi kawawa ka lately, kaya ayan! Surprise!"
Napanganga ako.
"So... hindi si Mr. Forteros?" bulong ko, half-disappointed.
"OMG, feelingera ka talaga, girl! Si CEO pa talaga ang inisip mo?" hinampas niya ako sa braso.
"Malay mo naman! Baka... baka concerned siya!" depensa ko habang hawak-hawak pa rin ang chocolate na parang national treasure.
"Concerned? Sa'yo? Sa janitress na pabebe? Sa tingin mo type niya 'yung amoy floorwax?" tawa niya pa lalo.
Napahagalpak na rin ako sa kakatawa. Okay fine, reality check. Chocolate na napulot. Walang love story. Life goes on.
After naming maubos ang tsokolate at ma-digest ang harsh reality, nagtungo na kami sa 3rd floor para maglinis ng cubicles. Routine na 'to. Walis dito, punas doon. Chika everywhere.
"Ew, ang daming alikabok dito!" reklamo ni Daphne habang nagsispray ng disinfectant.
"Ay, sanay na ako diyan. Alikabok nga lang 'yan, eh broken heart nga na-survive ko!" sagot ko, proud pa.
Habang enjoy kami ni Daphne sa kasimplehan ng buhay, biglang dumating ang energy vampire... si Margarita.
As usual, naka-stiletto heels, naka-power suit na kulay puti, at nakataas ang kilay na parang kakasali sa contest ng 'Highest Eyebrow Challenge.'
Tapos, hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote niya, kasi habang nagpapanggap kaming invisible, lumapit siya sa akin nang may bitbit na... baso ng tubig.
Uh-oh.
"Hoy, janitress," sabi niya sa boses na parang laging may kaaway, "nasa ilalim ng table ko 'yung basura. Bilisan mo!"
Tumayo ako agad, professional pa rin kahit gusto ko na siyang batuhin ng mop. "Yes, Ma'am," sagot ko, nagpapa-sweet pa.
Pero habang nakatuwad ako kakalinis sa ilalim ng table niya, biglang — SPLASH!
Cold. Wet. Ang lamig! Tapos ramdam ko na naman ang biglang pagbagsak ng malamig na tubig sa ulo ko. AGAIN.
Muntik ko nang maibato 'yung dustpan kay Margarita, besh!
"Oh my gosh, I'm so clumsy!" aniya, kunwari pa-cute, pero halatang sadya. Ang sarap lagyan ng 'Crime Scene Do Not Cross' tape 'yung bibig niya.
Tumayo ako, basang-basa, dripping like a wet labrador. Tumingin ako sa kanya nang matalim. Si Daphne naman, naka-mute pero obvious ang galit sa mukha.
"Sorry, ha," dagdag pa ni Margarita, kunwari pa-humble, pero may bahid ng malisyang nakangiti. 'Yung ngiti na gusto mong burahin gamit sandpaper.
Ang daming nanonood na mga empleyado. Ramdam ko ang mga mata nila. Ang awkward. Ang humiliation. Pero hindi ako pwedeng umiyak. Hindi pwede ngayon.
Kailangan kong maging matatag. Para sa upa. Para sa pamilya ko. Para sa pride ko na nakasabit na lang sa sinulid.
Huminga ako ng malalim. Sa sobrang galit ko, parang may maliit na usok nang lumalabas sa ilong ko.
"Ma'am, salamat po sa libreng shower," sabi ko habang pinipilit ngumiti.
Deadma si Margarita. Tumalikod lang siya na parang hindi niya ako nilapastangan ng yelo.
Si Daphne, nilapitan ako. "Bes, tara na, bago ko siya mapatulan," aniya, halatang pigil ang sarili.
Sumunod ako, but every step away from that lugar felt like dragging my pride sa sahig.
Pagbalik namin sa janitor's closet, dun ako bumigay.
Umupo ako sa isang sulok, basang-basa pa rin, at napapikit.
"Tama pa ba 'tong ginagawa ko, Daph?" bulong ko, nanginginig ang boses ko. "Parang ang unfair naman. Bakit ganito?"
Tahimik lang si Daphne. Nilapitan niya ako at inabot ang towel. Hinaplos niya ang balikat ko.
"Wag kang bibigay, Mars," bulong niya rin. "Kung anong yabang niya, doble ang ganda mo. Tandaan mo 'yan."
Napangiti ako kahit ang sakit-sakit.
"Kailangan ko lang talaga ng matandang afam," biro ko, pilit na pinapagaan ang loob.
"Tara, maghanap tayo bukas," sagot niya, game na game.
At doon, habang pinupunasan ko ang sarili ko, habang magulo ang buhok ko at amoy floorwax pa rin ako, I realized — hindi pa tapos ang laban.
May araw din si Margarita.
At ako?
Ako ang magiging Queen ng sariling kuwento ko.
Abangan mo, Margarita.
Abangan mo.
Habang tinutuyo ko pa ang buhok ko gamit ang towel ni Daphne, may planong kasamaan na agad akong binubuo sa utak ko.
Hindi naman 'yung sobrang kriminal, pero 'yung tipong... pantay lang kami.
"Tara na," bulong ko kay Daphne, "maghihiganti tayo."
Napataas kilay niya. "Ano na namang kagaguhan 'yan?"
Ngumisi ako. 'Yung ngisi ng isang taong desperado pero may pagka-genius.
"Sundan mo lang ako," sabi ko, sabay kindat.
Pagdating namin sa 3rd floor, tahimik ang paligid. Si Margarita, feeling queen pa rin sa cubicle niya, busy sa kaka-type ng hindi ko alam kung report o chismis.
Ang timing, besh. Kasi habang nagmo-monologue siya sa harap ng laptop niya, kita ko 'yung Grande Latte niya sa gilid ng mesa. Mainit-init pa yata.
TARGET ACQUIRED.
Siniko ko si Daphne. "Panoorin mo ako."
Hinila ko ang mop na may konting tubig pa sa dulo, tapos kunwari naglilinis ako malapit sa desk ni Margarita. Kunyari hindi ko sinasadya, bigla akong nag-spin ng mop — at swak!
Talsik ang mop, derecho sa basang parte ng sahig, nag-splash ang tubig... sa puting Gucci bag ni Margarita at sa sapatos niyang mukhang mas mahal pa sa apartment ko.
"OH MY GOSH!" sigaw niya, tumayo agad na parang nasunugan.
"Sorry po!" sigaw ko rin, acting kunwari panic mode. "Sorry po Ma'am! Hindi ko po sinasadya!"
Gusto kong matawa, pero pinigilan ko. Kunwari nagpa-panic ako habang pinupunasan ang bag niya gamit ang mop — yes, MOP.
"ANO BA 'YAN! WALA KA NA SA LUGAR!" sigaw niya habang umiikot-ikot.
"Ay sorry po, sorry po, akala ko po kasi waterproof!" sagot ko, trying to sound so sorry pero deep inside, sumasayaw na ang puso ko sa saya.
Si Daphne, halos mamatay kakapigil ng tawa sa likod ko.
Hindi pa 'yan ang finale.
Habang galit na galit si Margarita kakasigaw, bigla akong nadulas pa-ekstra drama at bumagsak ako diretso sa mesa niya — sakto natabig ko ang Grande Latte... tumapon ang kalahati ng kape sa laptop niya.
BZZZT.
Nag-blink ang screen. Then — blackout.
Dead.
Dead ang laptop.
Dead ang career ni Margarita sa loob ng 3 minutes.
"OH MY GOD! ANONG GINAWA MO, YOU STUPID JANITRESS!" halos pasigaw na niya.
"Sorry po, Ma'am! Ang dulas po kasi! Ang basa po ng sahig, baka po kasi maaksidente kayo!" sagot ko pa, sobrang drama na parang ako si Marian Rivera sa teleserye.
Dumagsa ang mga officemates, syempre. Chismosa gang. Ang iba, kunwari concerned, pero obvious na kinikilig sila sa eksena.
Si Margarita, halos mamutla. Tuwang-tuwa ako kasi finally, nakabawi ako ng dignidad kahit papaano.
Pagkalipas ng isang oras, pinatawag ako ni Mr. Forteros sa office niya.
Medyo kabado ako habang naglalakad.
"Patay na," bulong ko kay Daphne bago ko pumasok. "Baka sisantihin na ako."
"Go, besh. Fighter ka," cheer niya.
Pagbukas ko ng pinto, andun si Mr. Forteros sa likod ng kanyang malaking executive table. Suot pa rin niya ang fitted suit niya, looking like a Calvin Klein model pero may aura ng military general.
"Maurice," tawag niya sa akin, matigas ang boses pero walang galit.
"Sir?" sagot ko, parang batang nahuli ng principal sa pag-cutting classes.
"Tell me," sabi niya, nakatukod ang mga siko sa mesa niya. "Accident ba talaga 'yon?"
Pinipigil ko ang ngiti ko. Tumingin ako sa sahig, kunwari guilty.
"Accident po, Sir. Kasi... madulas po kasi talaga ang sahig," sagot ko, acting na parang inosenteng tuta.
Tahimik siya for a while. Parang tinitimbang niya kung maniniwala siya o hindi.
Then, bigla siyang napabuntong-hininga.
"Fine," sabi niya.
Sabay baba niya ng ballpen niya sa mesa.
WHAT???
Parang gusto ko nang magsayaw ng budots sa gitna ng office niya! Hindi niya ako pinagalitan!
"Continue your work," sabi niya pa.
"YES, SIR!" sagot ko, over-excited pa.
Paglabas ko ng office niya, sinalubong ako ni Daphne.
"Ano, besh? Sisante na?" tanong niya, kinakabahan.
"NOPE!" tili ko. "Kakampi ko si CEO! Tinalo ko si Margarita!"
Nag-high five kami ni Daphne sa hallway, walang pakialam sa mga mata ng ibang empleyado.
At sa loob ko, nangako ako:
Hindi ako papayag na apak-apakan lang. Kahit janitress lang ako sa mata nila, ako ang magpapakita sa kanila na hindi ako basta-basta.
Kahit na brokenhearted.
Kahit na magulo ang mundo.
At kahit pa mabasa pa ako ng isang balde ng tubig sa harap ng buong kumpanya — LALABAN AKO.
Dahil sa totoo lang...
Ako pa rin ang bida sa kwento ko.