Hindi ko alam kung ilang beses akong napapikit habang nakaupo sa tabi ng projector screen sa main hall ng Baguio. Hindi dahil inaantok ako—hindi rin dahil wala akong gana. The truth? It’s because I still couldn’t get over last night. Yung mga bulaklak. Yung wine. Yung balcony. Yung mga halik niya. At lalo na ‘yung mga sinabi niya habang yakap ako sa dilim ng malamig na gabi. I ran my fingers across my lips, discreetly, habang hinihintay magsimula ang next investor pitch ni Mr. Forteros—o dapat ko na bang sabihing Watt? “Ready?” tanong ng isang engineer na siyang in charge ng visuals. Tumango ako. “Yes, Sir. Slides are ready.” He looked at me with narrowed eyes. “Mukha ka yatang lutang ngayon, Maurice.” I forced a nervous laugh. “Pagod lang po, sir.” “Pagod o in-love?” he teased w

