CHAPTER 2

1910 Words
Siguro around 11pm na kami natapos sa paglilinis. As in, halos hindi ko na maramdaman ang talampakan ko. Parang nag-backout na sila from the responsibility of being feet. Ako rin, gusto ko nang mag-resign—hindi sa trabaho, kundi sa katawang lupa ko. Feeling ko hindi ako nilikha para mag-mop ng buong building na parang sinumpa. This is not where I belong! I belong to somebody na rich at spoiled ako sa lahat ng bagay lalo na kung foods ang usapan. And speaking of which, I can't wait sa dinner date namin ng aking boyfie na rich ay yayamanin. Kaya lang medyo red flags siya coz he's not always there for me. Busy daw siya sa work niya. Ako rin naman busy eh. Well, anyways, ang mahalaga ay makakakain na naman ako ng libreng masarap na dinner mamaya. Pumasok kami ni Daphne sa janitress closet—'yung mini tambayan naming janitress nation. Doon kami nag-ayos ng sarili, pero Diyos ko, amoy pawis na kami ng sobra. Hindi na kami basta amoy-trabaho—amoy-battlefield na kami. Yung tipong “ako nga pala ‘yung nakipagbakbakan sa mga bacteria sa third floor.” “Grabe Daph, napagod ako dun ah
” hingal kong sabi habang binubuksan ang small fan sa gilid ng closet, na honestly, parang wala ring silbi kundi pang-arte lang. “Pawisan pero at least fresh,” sagot ni Daphne habang nagpapaypay ng ID niya. “Diba? Ang mahalaga, hindi maasim ang kiffy.” sabay wink niya. Nagulat ako. “Kiffy ka d’yan! Hoy always fresh and mabango ‘to no!” “Kili-kili kako. Ano ka ba. Para sosyal pakinggan,” sabi niya. Nag-tawanan kami. Kung may award sa pag-joke ng kahit ubos na ang energy, panalo kami. Pang-Miss Janitress Universe ang energy. Kahit pagod, usap pa rin kami about lunch. Sabi ko, “Dun tayo kumuha sa pantry, ‘yung imported. Kailangan kong i-replenish ang soul ko. Ang daming basura kanina. Feeling ko, pati morals ng mga tao, kailangan nating linisin.” “Grabe nga, ‘no?” sabay nguso ni Daphne. “Mga engineer pa man din, pero ‘pag kumain parang sinabugan ang desk ng sandwich explosion. Walang GMRC.” Nagpahinga muna kami saglit. Sobrang saya ng upong iyon sa sahig kahit amoy bleach pa ang paligid. Ilang minuto lang, pero parang ni-reset kami sa mundo. Pagkarating namin sa pantry, hala! Akala mo may fiesta. Dami ng tao, daming kalat. Mga employee na may hawak na cellphone sa kaliwa, kape sa kanan, at kalat sa gitna. May nag-iwan pa ng tupperware na parang sinadyang i-display. Habang kumukuha kami ng pagkain, yes, sinamantala na naman namin ang mga imported, biglang bumungad si Margarita. Si Margarita. Yes, the moment. The myth. The legendary epal. Ang secretary ni Mr. Forteros na kala mo beauty queen pero attitude na pang-Boss Villain. “Bilisan n’yo d’yan 'coz there’s so much mess to clean
” sambit niya habang naglalakad papasok na parang may sariling background music. "Look," sabay taas kilay at turo sa mga desk. “Basura is everywhere. Clean it up.” Tapos? Walkout! Parang sa teleserye, besh. Yung hindi na kami nabigyan ng chance mag-react. Iniwan kami ni Daphne na nagkatinginan lang. “Daph
besh,” bulong ko, “Gusto ko siyang walisin. As in literal.” “Nakakahiya sa walis,” sagot ni Daphne. Pero wala kaming choice. Kaya pinulot namin ang mga mop, dustpan, at ang natitirang pride namin. Trabaho nga naman ‘to. Lumabas kami sa pantry dala ang mga gamit panglinis. Habang naglalakad kami sa lobby, napapansin ko talaga kung gaano kababa ang tingin ng iba sa mga janitress. Minsan talaga, gusto kong sumigaw ng, “Hoy, ka-professional niyong tao ang dudugyot ninyo! Siguro ang dami na ring kibag d'yan sa nga bunbunan ninyo!” Pero sabi nga ni mama, “Anak, ang pride, sabon lang yan. Hindi inuugali.” Kaya ayun, sinimulan namin ang clean-up mission. Paglapit ko sa isang desk, nakita ko ang isang coffee cup na may lipstick mark. Ang fancy ng cup—pero ‘yung lipstick, parang mula pa noong 1999. Napailing ako. “Daph, tignan mo ‘to oh. ‘Yung lipstick mark mas matagal pa sa relasyon ko.” “Baka may sentimental value,” sagot niya. “Pinaghiwalay sila ng barista.” Natawa kami habang nagpapalit ako ng garbage bag. Gusto kong tumili sa dami ng tissue, straw wrapper, resibo, at isang stick ng lip balm na natapakan na. Sa kabilang banda naman ng lobby, may desk na parang museum. May isang lalaking engineer na iniwan ang fastfood meal niya—yes, meal talaga, with full set: burger, fries, half-melted sundae. Grabe talaga. “Kuya, may project ka ba dito sa desk mo o dine-in ‘to?” tanong ko sa hangin habang nililinis ang mesa. Pumikit ako sandali. Tumingala. "Lord, kung binibigyan Niyo ng blessing ang mga employees na ‘to, baka pwede pong kami naman ni Daphne ang susunod. Kahit isang maliit lang na resto. Ako na maglilinis." Nasa ganun akong pagninilay-nilay nang may biglang umubo sa likod ko. Paglingon ko, si Mr. Forteros. Aba, eh ‘di wow. Standing there with his usual stern face, hands behind his back, parang pang-leader ng cult. Ang ganda ng suit. Amoy expensive. Amoy hindi naglinis ng CR sa buong buhay niya. Tumango lang siya. “Good.” Napatingin ako kay Daphne, then balik kay Mr. Forteros. Teka lang, yun na ‘yun? “Thank you, sir,” sabi ko habang tinatakpan ang tuyong ketchup sa uniform ko. “Gusto niyo po ng mop? Para makisama kayo sa experience?” Umangat ang isang kilay niya. Tapos umalis. Umiling si Daphne. “Girl, feeling ko gusto ka niya.” “Ay, ‘wag! Hindi ko siya kayang mahalin habang may hawak akong basahan.” Sa kabila ng pagod, pawis, at pang-aalipusta ni Margarita, natapos din namin ni Daphne. Kahit sobrang simple lang ng paglilinis ng mga basura, nakakapagod rin kaya, at the same time ay parang adventure na rin. Basta may humor, konting kape, at mop na matibay—kaya naming salubungin ang kahit sinong bossing sa mundo. Kahit si Mr. Forteros. Kahit si Margarita. Kahit pa ang tunay na kalaban namin—ang basura ng ibang tao. After namin mag-lunch ni Daphne—at syempre, kumain kami ng super sosyal na chocolate bar at uminom ng imported na kape na di ko rin alam kung saan galing—we decided to just stay sa janitress closet muna. Alam mo ‘yon? ‘Yung tambayan naming may amoy Clorox at konting mold pero pak na pak para sa mga pagod na kaluluwa. Napahiga si Daphne sa sahig na may karton. Oo, besh, karton talaga. Akala mo homeless, pero glamorous pa rin. Within ten seconds, knock-out agad siya. As in, parang walang utang. Nakasandal sa cabinet na parang eksena sa telenovela. Ako naman, hindi mapakali. Sabi ko sa sarili ko, “Girl, kahit ten minutes lang ng peace of mind
 kahit konting hangin lang
 kahit konting freedom mula sa mop.” Kaya nagpaalam ako sa tulog na estatwang si Daphne at umakyat sa third floor. Pagdating ko sa third floor, ayan na. May konting katahimikan, at least. Parang mas tahimik ang floor na ‘to kumpara sa ibang floors. Dito kasi ang mga offices ng mga head department. Medyo sosyal. May carpet. May konting amoy ng essential oils. At may mga halaman na obviously mas may benepisyo pa sa kumpanya kaysa sa akin. Sumilip ako sa bintana. Sa wakas, may hangin. Hindi man fresh air, pero at least hindi amoy bleach. I leaned against the glass and let out a deep sigh. “Lord,” bulong ko. “One day. One day, magkakaroon din ako ng sarili kong restaurant. Yung maliit lang. May sariling menu. May sizzling sound sa kusina. Tapos lahat ng tao, happy. Ako ang bossing. Ako ang cook. Ako ang tagalinis. Ako ang nagkakape. Ako lahat.” Nagfi-fantasize pa ako when suddenly— “Maurice!” Pak! Gulat ako. Napalingon agad ako sa pinanggalingan ng boses. Nandun siya. The horror. The audacity. The nerve. Margarita. Of course. Why not, ‘di ba? Wala nang mas sasarap pa sa pag-hamon sa tahimik kong moment sa third floor kundi ang presence ng aking mortal enemy. Nakasandal siya sa pinto ng opisina niya, isang paa naka-cross, at naka-fold arms. Naka-high heels. Naka-pencil skirt. Naka-attitude. “Yes po?” sagot ko habang kinakalma ang sarili ko. Hindi pa rin ako makaget-over sa eyebrow niya na parang may sariling ambisyon. Tumuro siya sa loob ng office niya. “Can you pick up the trash under my desk? Like now?” Wow, sure po, madam queen of basura. I nodded, lakad ako papasok, kinuha ko yung basurang pinapakuha niya—ilang tissue, crumpled paper, at isang plastic ng fancy yogurt. Pero habang naka-yuko ako, biglang— SSSPPPPSSSHHHH! Isang malamig na buhos ng tubig ang tumama sa ulo ko. As in, basa, besh. Gabi-gabi akong nagkakondisyoner para lang mapanatili ang buhaghag kong buhok, tapos ngayon, basang-basa ako sa iced water?!? “Oops,” sabi ni Margarita. With that fake gasp. “Oh, hala
 natapik ko accidentally ang baso ko
” Tumayo ako slowly, para akong karakter sa horror film. You know that part na nag-transform na ang bida into vengeful demon? Ganun na ganun ang vibes ko. Tumulo pa ang tubig sa mukha ko pababa sa leeg. Sa uniform ko. Sa dignidad ko. “Sorry,” dagdag niya. Yung ‘sorry’ na punong-puno ng sarcasm. As in, ‘yung sorry na alam mong hindi sincere kundi sponsored ng pure evil. Naka-stunned mode ako for five seconds. Walang imik. Pero sa loob ko? Parang may fireworks ng galit. Parang may boxing match between my pride and my paycheck. Girl, just walk away. Yun ang sabi ng conscience ko. Pero ang puso ko? Nagsusumigaw: “TADYAKIN MO NA SIYA!” Pero hindi. Hindi ako nagpatalo. Tumayo ako straight. Tumikhim. Nginitian ko siya—‘yung ngiti na hindi mo alam kung galing sa langit o galing sa impyerno. “Ma’am Margarita,” sabi ko. “Ang lamig po ng tubig. Next time po, baka pwedeng may yelo na rin. Para perfect.” sabay kindat. Napataas kilay niya. “Excuse me?” “Ah wala po. Sinasabi ko lang na nakaka-refresh siya. Bagay sa inyo. Ice queen vibes.” Tapos umalis ako. Hindi ko alam kung proud ba ako or natakot ako sa sarili kong tapang. Pero besh, ang saya. Ang sarap sa feeling. Hindi ko siya tinadyakan, pero na-swipe ko siya ng sarcasm level 999. Bumalik ako sa janitress closet, basa pa rin ang buhok ko, pero ang puso ko? On fire. Pagpasok ko, gising na si Daphne. “Hoy, anong nangyari sa’yo? Naligo ka ba sa dispenser?” “Hindi,” sagot ko, habang kinukuha ang tuwalya ko. “Naligo ako sa kasinungalingan ng isang Margarita.” “Si Margarita nanaman?! Aba’t—” “Oo, binuhusan ako ng tubig, girl.” “Tapos?” “Tapos ang ganda ko pa rin. Char!” sabay tawa ko. Pero deep inside, hindi ko alam kung tatawa ako or iiyak. Kaya ang ending? Tumawa na lang ako nang tumawa habang pinapatuyo ang buhok ko. “Daph,” bulong ko habang nakahiga kami ulit sa sahig. “Sabi ko na nga ba, hindi ako bagay sa janitress life forever. One day
 one day, I’ll own my restaurant. And when that day comes
 walang Margarita na makakabasag sa baso ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD