Pinakamahalagang handog sa atin ng dakilang lumikha ay ang pag-ibig. Nang dahil sa pag-ibig tayong lahat ay naging tao. Ang pag-ibig ay may iba’t-ibang uri ng kaanyuan. May pag-ibig sa dakilang lumikha, sa kapwa-tao, sa alagang hayop, sa kalikasan at kung anu-ano pa na napag-tutuunan natin ng pagmamahal at ng emosyon. Makapangyarihan ang pag-ibig. Puwede itong magbigay ng buhay at puwede rin itong kumitil ng buhay. Ayon sa isang tula ni Balagtas na siansabing "“O, pag-ibig na makapangyarihan pag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang”. Isang napakatalinhagang pananalita na nagpaparating ng labis na kapangyarihan sa puso ng isang umiibig. Walang masama sa kapangyarihan ng isang pag-ibig kung ito ay gagamitin natin sa positibong pananaw at pamamaraan. Magsilb

