Ang muli kong Sulyap sa Multi Billionaires kong ex-boyfriend

1671 Words
nakasakay si Steve sa mamahaling nyang sasakyan na Bentley, kulay abo ang kulay nito at sa likod sya nakasakay. katulad ng mga mayayamang businessman.sa pag sandal niya at pagharap sa salamin nakita nya si Abbigail Salvador. ang ex-girlfriend niyang di niya malimut-limutan kahit sa haba na ng taon na paghihiwalay nila. "itigil mo ang sasakyan!" pasigaw na nagmamadaling tono ni Steve sa driver. sa muli nyang pag harap sa salamin ay siya naman pagkawala ni Abby, hinanap nya si Abby. di siya mapakali sa pagtingin sa likod ng sasakyan. ba't nawala? tanong niya sa sarili maaring guni-guni ko lamang yon dahil sa pag-ka-miss ko kay Abby. at maaring si Abby talaga yun winika niya sa sarili. "Sige, umalis na tayo" dismiyadong pagkakasabi nito sa driver niya. nakabalik na si Steve sa Opisina SE CONSTRUCTION BUILDERS at may kumatok sa pinto. pumasok si Tess na secretary niya "sir, my meeting po kayo with Ms. Sophia today" " ok, saan ang meeting place namin? at anong oras?" seryosong tumingin Kay Tess habang nag ta-type sa laptop niya. " sir, manila hotel room 207 at 3pm" malambing na pag kakasabi ng secretary na si Tess "ok, come with me.Tess, you need to record everything that we discussed there and when you leave, lock the door, I will nap for a few seconds" marahan naman isinarado ni Tess ang pinto ng Opisina ng Boss niyang si Steve, bumababa si Tess, para bumili ng pagkain dahil pag gising ng Boss nya malamang na maghahanap ng pagkain ito. nakita siya ng ka-trabaho na si Fe. "Tess, saan ang punta mo?" habang papalapit ito natatanong sa kanya. "lunch na kase, bibili lang ako ng pagkain para sakin at kay sir Steve" naglalakad na sumagot. "oi, Tess buti di ka na-i-inlovebabo don sa Boss mo? yummy pero seryoso sa buhay. Di katulad ng Senior ko napaka playboy." "ano ka ba? andito ako para mag trabaho at di para kumereng-keng. tska ayaw ni sir Steve ng malandi." pero my nararamdaman talaga sya kay Steve. pero di naman siya ang tipo nitong babae kahit pa akitin niya.. habang pabalik si Tess sa Opisina Di nya matigilang maisip si Steve. ang gwapo, mayaman, macho at... nakow! erase..erase.. bakit ba na fa-fall ako? nakow Tess!, tigilan mo sinasabi ko sayo baka matangal ka bigla, mabilis pa naman radar ng boss mo. sabi ng isip nya. nakarating na sya sa pantry area at kumain. nilagay muna nya ang pagkain ni Steve sa microwave. para pag gising ni Steve ay iinitin na lang ito. at my biglang pumasok ang janitor ng building. " ay, sorry ma'am Tess na gulat ko po ata kayo?" nakayukong tanong kay Tess.. "sa susunod po kuya kakatok muna kayo bago kayo pumapasok sa kwarto, ano po?" magalang na sambit ni Tess sa janitor. "opo, ma'am" biglang nag ring ang landline sa desk nya kaya agad siyang bumalik at umupo sa area niya. nakita naman niyang intercom ang tawag gising na si Steve " yes, sir? may kailangan po kayo?" tanong niya habang nakatingin sa salamin ng Opisina ni Steve. "oo, dalahan mo naman ako ng tubig at kung may pagkain, pakidalahan din ako" sambit ni Steve na parang nanunuyo na ang laway sa uhaw. hinubad nito ang Suit at niluwagan ang neck tie niya. kinatok ni Tess ang pinto tumayo siya para buksan at bumalik muli sa desk nya. kinuha ni Tess ang tray na may pagkain at isang baso na may pitchel ng tubig. bago siya lumabas ay inayos muna niya ang kakainan nito. nilagyan niya ng placemat ang table at inayos ang Plato pati ang kutshara'tinidor, pati na rin ang baso at pitchel maganda at tama ang arrangement ng table setting. sinimulan na ni Steve kumain habang palabas si Tess ay nag thank you muna si Steve. na biglang naman nakaramdam ng kinilig, nakaramdam ito ng pamumula. dumeretsho siya sa banyo para tingnan ang sarili sa salamin at pinagalitan ang sarili "ano ka ba naman? di allergic si sir, sa malalandi at nagkakagusto sa kanya?" habang inaayos ang buhok at salamin niya sa Mata "umayos ka Terisita De Torres kung gusto mo mag tagal rito sa kompanya." winika nya sarili. lumabas siya ng rest room at bumalik sa desk nya nagring muli ang landline. "hello, good day! SE Construction builders?" "I would like to have an appointment with Mr. Steve Enriquez." "may i know who's the line ma'am?" " Charlotte Tan" " hold on ma'am, I'll just check the schedule of Mr. Enriquez gave me a few minutes." nilagay niya sa table ang telepono at pumunta sa Opisina ng boss niya. si Charlotte ang s*x buddy ni Steve. kaya kapag siya ang tumawag at nag- pa-pa-appointment ay alam na nya ang pakay nito, hinde naman talaga business ang habol nito.. nagpapa "kwan" lang sa boss niya! ay ano ba yan?! inalis agad ang malaswang naiisip. kumatok muli siya, " sir, nag-pa-pa- appointment po si Ms. Charlotte Tan, ano pong sasabihin ko?" at dahil busy na si Steve di nya napapansin si Tess na pumasok at nag salita dahil may earphones ang tenga nito. "Sir...." malakas na tawag niya kay Steve. " What is it?" pasigaw na tanong nito sa kanya, napatalon tuloy siya. mukhang mag kaka nerbyos pa si Tess sa kanya. napatawa naman si Steve sa kinilos ni Tess. " sir nag pa-pa-appointment po si Ms. Charlotte Tan." " ok, time is it?" " 1:30 pm sir" " ok, be ready call the driver at Baba na tayo" " paano po si Ms. Charlotte sir?" " tell her, tomorrow at 9am Anya resort at tagaytay." " ok copy po!" bumalik si Tess para sabihin sa kausap sa telepono ang sinabi ng boss niya. " Hello Ms. Charlotte?" sambit niya ng kuhanin ang muli ang telepono " what took you so long?" singhal ng babae sa kanya matagal nga siya kase naman ang boss niya ang tagal din sumagot. "sorry about that ma'am, chineck ko pa po kase ang schedule ni sir, puno na po kase kaya hinanapan ko pa po kayo ng oras at kung ok kay sir ung time." pagsisinungaling niya . " ahh.. thank you for that i appreciated" mabait na tono mukhang natuwa sa sinabi nito. "your appointment will be on 9am at Anya Resort tagaytay kindly book on it Ms. Charlotte, Sir Steve said" "ha? bat ako pa mag papa book? Di ba ikaw ang secretary? tanga ka ba?" singhal ng babae sa kanya. nag panting ang tenga nya! parang gusto na rin nyang sagot sagotin ito na at least siya di nag papakamot sa boss niya! nakow! kung di lang siya nakapagtimpi baka bawiin na nya ang appointment nito. "that would all be ma'am?" mahinahon na tanong niya sa kabilang linya na di na sinagot at binagsakan ng telepono. ang bastos naman non wika sa sarili. at pinababa ang tensyon sa pag kainis sa babaeng kausap kanina. tinext na niya ang driver ng boss niya sabay silang bumababa ng elevator ng boss niya. ang mga babaeng kasabay naman nila na empleyado ng SE construction builders ay kinikilig sa gilid dahil nakasabay nila sa elevator si Steve. nag bubulungan ang mga ito. " ang yummy naman talaga ni Sir." napapangiti na lang si Tess sa mga naririnig at bumukas ang elevator na unang lumabas si Steve kasunod si Tess at ang mga babae. naglakad na sila palabas ng entrance ng building tamang tama ang pagdating ng Bentley na kotshe ni Sir Steve. binuksan ni Tess ang pinto at pinasakay si Steve marahan niyang sinarado ang pinto ng kotshe at binuksan ang isang pinto sa kabila sa may likod ng driver seat. nag tungo na sila sa manila hotel narating na nila ang room kung saan na reserve sa kanila. sabay na sabay lang pag dating ng ka meeting nila na si Ms. Sophia. Maganda't matalino ang babae'ng sa unang pagkakataon pa lang nakilala ni Steve, na Close naman nila ang deal. bago sila bumalik sa kompanya nag yaya si Steve kumain muna sa isang Korean Restaurant. mga 7pm na ng gabi yon inorder ni Steve ang unlimited hotpot with side dish at mga soju. kaharap niyang kumain ang driver at si Tess dahil mukhang masaya siya at my bagong cliyente siya sunod sunod ang mga projects ng Construction builders niya. na i-serve na ang mga pagkain na makilala ang isang waitress.. "teka, teka lang!" pag awat niya sa waitress ng restaurant. "bakit sir?" tanong ni Tess sa kanya. "pahintoin mo nga muna yang mga babae na yan" singhal na sinambit ni Steve "teka lang daw po mga miss" pagpigil niya sa mga waitress "bakit po ba?" tanong ng isang waitress na nakatingin sa kanila at ang isa naman ay nanatiling nakayuko. "Baka pwede ka naman tumingin sakin miss?" mahinahon na sinabi ni Steve sa isang waitress. naka arkong naman ang isang kilay ni Tess na nagtataka kung bakit ba kase gusto makausap ni Steve ang mga waitress. tumingin ng dahan dahan ang waitress at dahan dahan rin tiningnan mabuti ni Steve ang babae " Abby...Abbigail Salvador?!" pasigaw at napatayo napapalo sa lamesa si Steve. "Ikaw nga ba yan?" "sorry sir baka nagkakamali po kayo" sabi ng isang waitress kase ang pangalan niya sa name tag Gayle at Hindi Abbigail or Abby. nagulat naman si Tess. buong akala niya mayaman si Abbigail. Di naman pala. pero napakasimpleng babae lang pala. mas mukha pa siyang mayaman at mas maputi mas maganda nakakalamang si Tess. Yan ba ang gusto niya pandidiri tinanong sa sarili. "Abbigail?" patanong na tono muli ni Steve. tumango na lang ito. at lumabas na hinabol naman ni Tess si Abby ngunit di niya na naman na abutan. tinanong ni Tess sa HR ang impormasyon nito. binigay ang detalye. tinapos muna nila ang pag se- celebrate nila sa bagong kliyente na dumating. Salamat sayo Teresita sambit ni Steve at lumabas na ng restaurant. hinatid muna siya ng driver ni Steve bago tumuloy sa pent house si Steve. ano kaya manyayari kinabukasan kila Steve at Abby? mahahanap kaya ni Steve ang bahay nila Abby?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD