Pagkarating sa room, diretso na akong pumasok. Wala pa akong mga clasmeyt na nakita. Marahil nasa labas at nagkwentuhan muna. Sumalubong sa'kin ang malamig na hangin na 'di ko alam kung sa'n galing. Basta ko na lang itong naramdaman at bigla akong pinagtayuan ng mga balahibo sa katawan. Nawala saglit sa'kin isipan ang hiyang ginawa ko sa harap ni Rj, na-focus ito ngayon sa pag-iisa ko. May nakita akong aninong lumagpas sa pisara. Napaatras ako at nakaramdam ng pagsisi kung bakit nagmamadali akong pumunta ng room. "Sinusundan ka niya." Muntik na akong himatayin sa gulat nang magsalita sa'kin likuran si Daisylee. Idagdag pa ang kanyang bangs na tumatakip sa kanyang mata. "Anong ibig mong sabihin?" Hindi siya sumagot pero pumasok siya at umupo sa kanyang upuan. "Nararamdaman kong may sumu

