Fenich
"Love, nasan kana?" Vaughn asked me on the other line.
Nagpasya kasi kaming magdate ngayon. We are going somewhere far para masulit namin ang date naming dalawa.
"I'm on the way na love," sagot ko sa kaniya.
"Okay love ingat ka! Claude is already waiting for you," sabi nito.
"A'right see you later love! I love you!" I said.
"I love you too love! Keep safe."
Pinatay ko na ang call at bumaba na sa taxi. Andito ako ngayon sa mall na sinasabi ni Vaughn. Si Claude kasi ang maghahatid sa akin sa bahay niya.
Nandun kasi si Vaughn. Ang plano kasi namin ay ihahatid ako ni Claude sa bahay niya at dun kami aalis ni Vaughn sakay ang isa pang kotse ni Claude na hiniram niya.
Vaughn can't use his own car if he's with me. Nag iingat kami baka masundan kami. This is getting harder for us!
"Claude!" Tawag ko sa kaniya.
Claude removed his shades and walked towards me.
"Ready kana ba?" Nakangiting tanong nito.
"Yeah I'm sorry talaga naabala kana naman namin." Paumanhin ko.
"Tsk don't mention it. I heard what happened alam mo bang galit na galit si Vaughn." Kwento nito.
"Yeah I heard both of you got drunk," sambit ko.
"Siya lang yun. Kasi kung nalasing ako edi hindi na siya nakauwi," sagot nito.
"Sabagay tama ka naman. He didn't tell me all the details kasi nagagalit daw siya kapag naalala yun. All I know is he's really angry," sabi ko.
"Yeah he is. He shouted at his own mom at harap harapan niya ring sinabi sa mga magulang ni Leslie na hinding hindj niya magugustuhan ang anak nito," kwento ni Claude.
"Oh my Gid he really did that?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yeah he did. Patay na patay sayo yung kaibigan mo Fenich," he said then chuckled.
"Naawa ako kay Vaughn at kay Leslie." Wala sa sariling nasabi ko.
"Ba't ka ba naawa kay Leslie, you're too nice dapat mas maawa ka sa sarili mo Fenich," usal nito.
"Feeling ko kasi nagsinungaling rin ako kay Leslie eh. We're friends at palagi niyang binabanggit sa akin na matagal niya ng gusto si Vaughn. I can't get enough courage to tell her that I am Vaughn's girlfriend," I said.
"I feel sorry for you Fenich. Alam kong nahihirapan ka ring makinig sa mga kwento ni Leslie. She's just really obsessed kay Vaughn to the point na she's forgetting her limits sometimes," he replied.
"Tama ka naman. Siguro kaya naging ganun rin si Leslie coz she's confident enough na wala siyang kaagaw kay Vaughn. Nakaka-frustrate rin yung ganun. Hindi ko masabi sabi sa kaniya na jowa ko yung crush niya." I sighed in frutration.
"What are you gonna do now?" Tanong nito sa akin.
"Seriously I don't know. Ang hirap mag isip," I answered.
"Do you trust my friend Fenich?" Claude asked.
"Of course. Malaki ang tiwala ko sa kaniya. I know he would not let me down," sagot ko.
Vaughn's love for me is an enough reason for me to believe in him.
"Pano kapag ayain ka niyang mag tanan papayag at sasama ka ba sa kaniya?" He asked out of the blue.
"Kung pwede lang talaga Claude. Pero ayoko namang ipagdamot kay Vaughn ang magandang buhay. Alam ko kapag ginawa namin yun, siya yung mahihirapan," wika ko.
"How can you say that?"
"Wala na akong pamilya Claude. Wala ng mawawala sa akin kung sakaling sasama ako kay Vaughn. Kaya ko ring tiisin ang buhay mahirap dahil sanay naman ako dun. Si Vaughn ang iniisip ko. I know he'll miss his sisters at isa pa kahit san kami magpunta mahahanap at mahahanap pa rin naman kami ng mga magulang niya," sagot ko.
"Bilib na talaga ako sa pagiging selfless mo Fenich. Sabagay tama ka rin naman, mahirap takasan ang pamilyang Carter."
Hindi na kami muling nag usap pa ni Claude. Tumingin lang ako sa paligid habang siya naman ay tahimik na nagda-drive. Ilang sandali pa ay dumating na kami sa bahay niya.
Malaki ang bahay ni Claude pero hindi pa ito sapat upang matawag na mansion, siya lang naman kasi isa yung nakatira dito eh pero yung family house nila ay mansion talaga.
"Tara pasok kana Fenich." Aya nito sa akin.
Pumasok na ako at agad kong nakita si Vaughn na nanonood lang ng tv sa living room.
"Love!" Napabalikwas agad to sa couch nang makita niya ako.
He ran towards me and huggedme tight.
"Ehem respeto naman sa may ari ng bahay."
Natawa ako sa sinabing iyon ni Claude pero ni hindi man lang nakinig si Vaughn.
"Wow hindi talaga ako pinansin! Sige dyan na kayo aakyat na muna ako sa kwarto ko. Lock the door pag aalis na kayo ah?" Bilin nito sa amin.
Ako lang ang sumagot kay Claude dahil busy pa rin si Vaughn kakayakap sa akin.
"I missed you so much love," sambit nito.
"Nagkita naman tayo kahapon ah? I miss you too," sagot ko sa kaniya.
"Damn it Fenich hindi ko na alam anong gagawin ko."
Vaughn is such a tough guy pero mabilis rin siyang umiyak kapag natatakot siya.
"Shhh it's okay love, we can find a way." Kumbinse ko sa kaniya.
"What if ipapakasal talaga nila ako sa witch na yun. My life would be so hard. It would be a living hell!" Naiiyak nitong sabi.
"Don't worry love, kahit ano pang mangyari hinding hindi kita iiwan I promise. No matter what happens I'll always stick to you side," I said.
Vaughn hugged me tighter. Sa totoo lang ay natatakot rin ako para sa aming dalawa. Her parents are both eager to let him marry.
Vaughn is the successor of all their business at kailangan niya talagang magpakasal bago ipamana sa kaniya lahat ng iyon.
"Mababaliw ata ako kapag nawala ka sakin Fenich. Don't you ever dare stay away from me. Kapag nagkataong malaman talaga nila mommy ang tungkol sa atin wag na wag kang makinig sa mga sasabihin nila okay?" Pagsusumamo nito.
"You own my heart, soul, and body Vaughn. Sayo lang ako makikinig," I whispered.