Fenich Maagang maaga akong nagising dahil medyo namamahay pa ako sa bahay ni Vaughn. Naalala ko kagabi yung usapan namin habang pauwi kami sa bahay niya. F L A S H B A C K "Love alam kong magugustuhan mo yung bahay natin," sambit niya. "Bahay natin?" Tanong ko. "Yeah. Yun yung pinili kong bahay dahil yun yung medyo tugma sa description ng gusto mong bahay. Yun nga lang may anay lang na nakikisampid dun," sagot niya. "Baliw ka talaga love. Kahit anong bahay naman basta ikaw yung kasama ko magugutuhan ko pa rin yun." Pagdating namin ay naabutan namin si Leslie. Halatang galing siya sa pag iyak. Hinihintay niya kayang umuwi si Vaughn? Bigla akong nakonsensya. Hindi pa rin alam ni Leslie na merong girlfriend si Vaughn. Kabit pa rin ang magiging tingin sa akin ng mga tao at si L

