Fenich "Napakadaya mo talaga!" Sambit ko sa kaniya habang nagyayakapan kami. "Are you happy?" Tanong niya. "Of course I am! Tinatanong pa ba yan?" Naluluha kong sambit. "Ehem." Pareho naming narinig si father na tumikhim. Nahiya ako kaya agad akong bumitaw sa pagyakap kay Vaughn. "Sorry po father." Paumanhin ko. "Mga hijo, hija, pwede na ba tayong magsimula? May misa pa akong gaganapin mamayang hapon," sambit ni father. "Yes father let's start," sagot ni Vaughn. Nagsimula na ang seremonya ng kasal at palagi lang akong nakatingin at nakangiti kay Vaughn at ganun din siya sa akin. May parte sa puso ko na humihiling na sana yung kasal namin ay mapupuno ng mga taong malalapit sa amin. Na sana meron rin kaming flower girl, bride's maid, ring bearer, at maid of honor. Tanging

