Fenich Tapos na kaming kumain sa restaurant na palahi naming pinupuntahan ni Vaughn kaya napagpasyahan na naming pumunta sa boarding house ko para kumuha ng mga gamit. Hindi ko naman kasi alam na ngayon na pala ako mamasukan sa kanila. Mahilig talaga to si Vaughn sa surprises. "Love sure ka bang ngayon na ako papasok?" Tanong ko rito. "Yeah hindi ko na kayang magtiis pa ng matagal. Gusto kitang makita araw araw. Baka maibsan ba yung pagiging bugnutin ko sa bahay." Naasar nitong sambit. "Sinabi mo na ba yun sa kaniya?" Tanong ko. I'm trying not to mention Leslie's name dahil nag iiba yung mood ni Vaughn kapag naririnig niya ang pangalan ng babaeng yun. "Oo. I told her na aalis ako at maghahanap ng personal assistant. She even asked if saan ako pupunta pagkatapos. Mas lalo akong n

