Hana's Pov Kinaumagahan maaga kaming umalis ni Mark. Papunta na kami ngayon sa airport si Nathaniel ang driver namin ngayon dahil iniwan talaga ni Mark iyong kotse niya sa bahay niya. "Sumunod nalang kayo sa canada para mapag patuloy pa din natin iyong trabaho natin." Narinig kong sabi ni Mark kay Nathaniel. "Sige po boss." Sagot naman ni Nathaniel at nakarating na kami dito sa may airport. Tinulungan naman kami ni Nathaniel na buhatin iyong maleta namin. "Mag iingat po kayo doon boss habang wala pa kami," sabi ni Nathaniel at tinapik lang ni Mark iyong balikat niya ako naman ngumiti sa kanya. "Ingat ka din sa pag balik mo sa basement," sabi ko sa kanya at tumango naman ito. Nag hawak na kami ng kamay ni Mark pinakita na namin iyong ticket namin pati na din iyong passport namin dala

