Pinulot ni Clover ang unan, at sinabing, " Sorry, pangako hindi ko na uulitin." Habang nakayuko ang ulo. Inamin ni Clover ang kanyang pagkakamali, umaasang matatanggap ni Aleo ang mga nagawa niya. " Ilang pagkakamali ang nagawa mo ngayun? Go and bring the note that i wrote for you. I guess you did not read it earnestly." Tila isang ulirang ama si Aleo kay Clover habang senesermunan niya ito. Hindi na kailangan isulat ang pagkakamali ko ngayong araw, apat na pagkakamali ang nagawa ko as follow. Una, hindi dapat ako lumabas ng bahay ng walang pahintulot mo. Pangalawa, ginamit ko ng palihim ang computer mo. Pangatlo, hindi ko dapat tinapon sa basurahan ang ginawa mong note. At ang pinakahuli, hindi ako dapat nagsinungaling sayo, pangako, hindi ko na uulitin. Muli siyang yumoko. " What !?

