OWNING THE MAFIA BOSS EPISODE 91 ATHENA CANTIA’S POINT OF VIEW. TULALA LANG ako hanggang sa nakarating na kami sa mansion. Inalalayan pa rin ako sa pagbaba ng sasakyan ni Mom at Dad. Pinaupo nila ako sa may couch at inutusan ni Mom ang isang maid upang kunan ako ng tubig na maiinom. Nakita ko si Dad na mabilis na kinuha ang kanyang phone at may tinawagan siya, si Kuya Ambrose ko. “Ambrose, are you at home now? We need you here in the mansion… yes, it’s about Lorenzo. Come here quickly. Dalhin mo na rin dito si Dianne at dito na kayo matulog,” seryosong sabi ni Dad at tinapos na niya ang tawag nila ni Kuya Ambrose. Dumating na ang tubig at agad ko naman itong kinuha at ininom. “Okay ka na ba, anak?” alalang tanong sa akin ni Mom na nasa aking tabi ngayon. Napatingin naman ako kay

