OWNING THE MAFIA BOSS EPISODE 81 WARNING: RATED SPG. READ YOUR OWN RISK. ATHENA CANTIA’S POINT OF VIEW. HINDI MAWALA sa aking isipan ang sinabi ni Niall sa akin. Pero hindi pa rin ako naniniwala sa kanya. Mas naniniwala ako sa asawa ko. Kay Enzo lang ako maniniwala at wala nang iba. He might have said that because of rage he was feeling that time when he saw me. Gusto niyang mawalan ng kakampi si Enzo, pero hindi ko gagawin ‘yun. Hindi ko iiwan ang asawa ko just for that. “Kumusta ka diyan sa Japan? Okay ba ang tinutuluyan mo diyan? Safety ba?” sunod-sunod kong tanong sa kanya. Ka video call ko ngayon si Enzo at miss na miss ko na talaga siya. Gusto kong maiyak at sabihin sa kanya na umuwi na siya rito dahil miss ko na ang amoy niya. Miss ko nang yakapin siya ng mahigpit at halikan

