OWNING THE MAFIA BOSS EPISODE 79 ATHENA CANTIA’S POINT OF VIEW. “I’M SO HAPPY for you, anak ko! Magiging mommy ka na talaga,” naluluhang sabi ni Mommy at hinalikan niya ang magkabila kong pisngi at niyakap niya ako ng mahigpit. Nandito kami ngayon sa mansion at kompleto rin ang pamilya Miller dahil may announcement kami ni Enzo… at ito ay tungkol sa pagbubuntis ko. Nandito ang lahat ng aking kapatid—even Ares na busy sa army ay umuwi talaga sa mansion para lang sa announcement na ginawa ko. “Thank you so much, Mommy! Magiging Lola ka na talaga. Is that fine with you?” sabi ko sa kanya. Lagi kasing sinasabi ni Mom na bata pa raw siya at ayaw niyang tawagin siyang Lola. Well, kahit na may edad na si Mom ay parang magkapatid lang kami dahil sobrang sexy at ganda pa rin ni Mommy Lara.

