Allie Hindi muna ako dumeretso ng uwi ng bahay sa Bacoor. Namalayan ko na lang tinatahak ko ang daan papuntang Antipolo sa bahay ni Caden. Gusto ko siyang makita for the last time. Sa malayo ko siguro ipapark ang aking sasakyan. Gusto ko din sana puntahan si Mariel kaso ayoko ko siyang magworry. Buntis pa naman ito baka kung mapaano. OA pa naman ang isang yon kong maka react. Pinark ko sa malayo ang sasakyan ko. Hanggang pangarap ka nalang talaga na bahay. Super gusto pa naman kita. Pinagmasdan ko mabuti ang bahay niya baka kasi biglang lumabas si Caden. Hindi magtatagal ikakasal na siya. Dito ba niya ititira si Miranda? Bigla naman may naramdaman akong selos. Siya na pala ang magiging reyna sa bahay na ito. Maya maya nakita kong palabas ang isang sasakyan. Hindi ako familiar, baka

