Seven years after... Allie "Aiden! Come here!" suko na talaga ako sa kakulitan ng anak ko na ito. At the age of seven napakapilyo. Walang natagal na yaya. Minsan ang yaya binuhusan ang mukha ng alcohol habang natutulog. Ngayon naman umiiyak ang yaya at nagsusumbong na nilagyan daw ng karayom yong upuan at natusok ang puwet nito. Gusto na nitong umuwi sa probinsiya. Sumuko na ito sa anak ko. Ang hilig nitong gumawa ng mga pranks. Pati sa school parati kaming pinapatawag. May pinaiyak itong babae kasi may gusto daw sa kaniya. Ayaw daw niya kasi mataba. Hindi daw sexy at maganda. Nakoo mana talaga sa ama. Ang ama naman nito kinukonsente lang ang ginagawa ng anak. Nag eexplore lang daw. "Beth, baka naman pwde pa. Last chance please." Pagmamakaawa ko dito. Hindi naman alagaan ang mga anak

